Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Olympic Songs.
Sabi ni Emmy Panajon ng Pandacan, pinanonood daw niya ang karamihan sa Olympic events from day one at kuntento daw siya sa performances ng Chinese athletes. Professional daw sila on and off the playing fields at hindi kataka-taka kung sa mga araw ng pagsisimula pa lamang ng Olympics ay nakakuha na sila ng ginto.
Zhou Bichang, binubuksan ang ating munting palatuntunan sa awiting "Nagkatotoong Pangarap."
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Olympic Songs ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Speaking nga pala of dreams, sabi ng 919 648 1939, hindi raw nagkatotoo ang pangarap niyang personal na mapanood ang Olympic Games, pero naniniwala raw siya na sa malao't madali, makikita rin niya ang Olympic venues.
Salamat sa SMS.
Sabi naman ng 0086 135 2023 4755: "Gusto ko ang attitude ng Chinese athletes. They are a good sport. Ganyan sana ang maging attitude ng lahat ng
manlalaro. Hindi lang medalya ang dapat habulin."
Thank you rin sa iyo. Tama ka diyan.
Iyan naman si David Huang sa kanyang "Wishing Star."
Kung kayo ang magwi-wish sa star, ano ang inyong hihilingin? Ako, sana bumaba ang presyo ng gasolina at prime commodities at sana kung maari as soon as possible.
Sabi naman ni Blanca Cabral ng Cebu City, sana raw magkaroon tayo ng tunay na magagaling na players na sasabak sa mga susunod na Olympics. Panahon na raw para pagtuunan ng pansin ng mga kinauukulan ang Philippine sports at Filipino athletes.
Salamat sa e-mail mo, Blanca.
Iyan, narinig ninyo ang magandang tinig ni Yu Hung Ming sa awiting "Bayani."
Sabi ng 919 651 1659: "Matalo't manalo, dapat ituring na bayani ang ating mga manlalaro. Nagsakripisyo sila para mabigyan ng karangalan ang bansa. Nagkataon lang na may mas higit na magaling sa kanila.
Thank you. Nadali mo, Day.
At iyan ang kabuuan ng ating munting pagtatanghal sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|