• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-28 14:54:14    
Olimpiyada, nagpasulong sa reporma ng mga bahay-kalakal na ari ng estado ng Tsina

CRI
Sinabi dito sa Beijing kamakailan ni Li Rongrong, Direktor ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission o SASAC ng Tsina, na pagkaraan ng Beijing Olympics at Paralympics, pabibilisin pa ng Pamahalaang Tsino ang pagrereporma sa mga centrally-administered State Owned Enterprise.

Napag-alamang ang nasabing mga SOEs ay iyong mga malaking bahay-kalakal na nasa ilalim ng pagsusuperbisa at pangangasiwa ng SASAC at karamihan sa mga ito ay gumaganap ng mahalagang papel sa mga industriyang may mahigpit na kaugnayan sa pambansang seguridad at pambansang kabuhayan. Sinimulan ng SASAC ang pagrereestruktura sa mga ito noong taong 2003. Kaugnay nito, sinabi pa ni G. Li na:

"Pagkaraan ng Beijing Olympics at Paralympics, sa halip ng boluntaryong muling paggugrupu-grupo ng mga SOEs, makikisangkot ang SASAC sa pagrereestruktura nila dahil bahagi sa kanila ay hindi nabibilang sa mga bahay-kalakal na may mahigpit na kaugnayan sa pambansang seguridad at pambansang kabuhayan at dapat silang makipagkompetensiya sa pamilihan. Pabibilisin namin ito pagkaraan ng kasalukuyang palaro."

Binigyang-diin ng opisyal Tsino na sa taong 2003 nang simulan ng SASAC ang reporma, umabot sa 200 ang bilang ng mga centrally-administered SOE. Sa kasalukuyan naman ang bilang ng mga ito ay mahigit 150 at hindi nagbabago ang patakaran ng Tsina na bawasan ang kasalukuyang bilang hanggang sa 80 hanggang 100 sa taong 2010. Sinabi ni Li na nitong 5 taong nakalipas, kahit nabawasan ng 1/4 ang bilang ng nasabing mga bahay-kalakal, umaabot naman sa 20% ang bahagdan ng paglaki ng karaniwang taunang kita ng mga ito.

Bukod dito, ang merger ay nagpapataas din ng kakayahang kompetetibo ng mga centrally-administered SOEs. Halimbawa, 4 na taon na ang nakaraan, nag-merge ang China Railway Construction Corporation o CRCC at ang China Civil Engineering Construction Corporation o CCECC at salamat dito, mabilis na lumalawak ang operasyon ng CRCC sa ibayong dagat. Tungkol dito, ganito ang tinuran ni G. Li Guorui, Board Chairman ng CRCC.

"Noong taong 2007, ang aming order mula sa ibayong dagat ay katumbas ng 37% ng aming kabuuang order at 5 taon na ang nakaraan naman, 1% lamang ang bahagdan."

Sinabi pa ng opisyal Tsino na patuloy na hihikayatin ng Pamahalaang Tsino ang pagsasagawa ng IPO sa ibayong dagat ng mga centrally administered SOEs. Sinabi niya na:

"Hanggang sa kasalukuyan, 68 sa mga centrally-administered SOE ang public-listed companies sa New York. Hindi lamang nagdudulot ito ng benepisyo sa mga mamumuhunang dayuhan, nagpapasulong din ito ng pangangasiwa ng mga bahay-kalakal na ito."