• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-29 18:04:41    
"Kapuwa-Ko-Mahal-Ko" na Pagsalubong sa 2008 Beijing Paralympians

CRI

Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2008.

Idinaos kahapon ng umaga sa Temple of Heaven ng Beijing ang seremonya ng pagsisindi ng sulo ng Beijing Paralympic Games. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Wen Jiabao, Premyer ng Tsina; Xi Jinping, Pangalawang Pangulo ng Tsina; Liu Qi, puno ng Organizing Committee ng Beijing Paralympic Games at Sir Philip Craven, pangulo ng International Paralympic Committee.

Mula sa UNESCO World Heritage Site na Temple of Heaven, ang banal na tanglaw ay maglalakbay sa 11 lunsod sa loob ng bansa at ang mga lunsod na ito ay kinabibilangan ng Shenzhen, Wuhan, Shanghai, Qingdao at Dalian para sa "Ruta ng Makabagong Tsina" at Huangdi Mausoleum, Xi'an, Hohhot, Changsha, Nanjing at Luoyang para sa "Ruta ng Sinaunang Tsina."

Ang Beijing Paralympic Games na sinisimbulo ng mascot na si Fu Niu Lele at may temang "Transcendence, Equality, Integration" ay magsisimula sa ika-6 ng Setyembre at tatagal hanggang ika-17. Hindi lamang mainit na sinasalubong ito ng mga kababayang tagapakinig; may pagmamahal din nilang sinasalubong ito.

Sabi ni super DJ Happy, bilang pagpapakita ng malasakit sa ating mga kapatid na may kapansanan, marapat lamang na bigyan natin ng comprehensive media coverage ang Beijing Paralympics para makita ng buong mundo ang galing ng mga atletang ito.

Sabi naman ni Romulo de Mesa ng Marinduque, malaki ang malasakit ng China sa mga mamamayan nitong may kapansanan kaya marami itong inilulunsad na mga programa para sa kanila. Aniya, kahit saan sa China kayo pumunta, makakakita kayo ng special facilities para sa mga handicapped.

Sabi naman ng IT specialist na si Joel Domingo ng Maynila, sana raw pagkatapos ng mga kompetisyon, mai-convert na lang na training facilities ng Paralympians ang mga istruktura na ipinagawa para sa Olympics at Paralympics. Magiging maalwan aniya ang pagsasanay ng mga atletang may kapansanan kung may ganitong uri ng facilities. Maganda rin aniyang paraan ito ng pagpapakita ng malasakit sa kanila.

Super salamat sa inyo, Happy, Romulo at Joel.

Meron pang mga pahabol na mensahe para sa katatapos na Olympic Games. Narito ang mga SMS.

Sabi ng 0049 242 188 210: "Nabulaga ako ng inihanda ninyong show noong August 8. Kilig to the bone ako sa amazing performances ng Chinese artists at sa level ng palabas. It was just great!"

Sabi naman ng 919 302 3333: "Congratulations sa Beijing at sa lahat ng Chinese friends everywhere. You did it right!"

Sabi naman ng 917 413 8312: "Makabawi-bawi naman sana tayo sa Paralympic Games. Marami tayong mga manlalarong kahit na may disability o impairment may natatago namang galing."

Sabi naman ng 927 770 3600: "Ang common dream ng lahat ay na-realize sa pagdaraos ng green and people's Olympics. Green, dahil environment-friendly; people's, dahil kumakatawan sa masang-bayan."

At sabi naman ng 910 340 8695: "Magaganda mga programa ng China para sa mga may physical problems kaya madali siyang makakapag-produce ng magagaling na athletes para sa Paralympics."

Ngayon, tunghayan naman natin ang mga e-mail.

Sabi ni Rio Nobleza ng Tanauan City, Batangas: "Alam ko na makikita rin namin ang luster ng Olympics sa darating na Paralympics, kaya tuloy ang saya sa September! Sinundan ko ang Olympics from day one all the way hanggang finale."

Sabi naman ni Boy Jacutin ng Mindoro: "Kuya Ramon, napanood ko ang maganda ninyong palabas noong nagsimula ang Olympic Games. Sa artistic way, naipakita ng palabas ang pinagdaanan at patutunguhan ng China. Sa mga balita ninyo ako nag-rely sa mga official results ng Olympic events. Salamat sa inyo, hindi ako nahuli sa balita."

At sabi naman ni Pablo Cruz ng San Juan, Cabangan, Zambales: "Walang naiuwi ni isa mang medalya ang mga atleta natin na sumabak sa 29th Olympiad pero nakapag-uwi naman ng ginto, pilak at tanso ang mga manlalaro natin sa demonstration sport na wushu na ginanap during Beijing Games. Dapat nating ipagmalaki ang mga medalists na ito pero huwag naman nating kalilimutan iyong mga non-medalists na buong tapang na sumali sa Beijing Games. Higit na mahalaga ang laro kaysa panalo."

Salamat sa inyong mga e-mail, Rio, Boy at Pablo.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating Dear Seksiyong Filipino 2008 sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.