• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-01 14:51:37    
Usapin ng mga may-kapansanan ng Beijing, natamo ang progreso

CRI

Sa kasalukuyan, maaaring makita ninyo ang mas maraming barrier-free facilities sa mga lugar na pampubliko ng Beijing na gaya ng transportasyong pampubliko at lugar na pangkultura. Sa katunayan, ang paglitaw ng mas maraming barrier-free facilities ay isang bahagi lamang ng mga ginagawang pagsisipag ng Beijing para sa pangangalaga sa karapata't kapakanan ng mga may-kapansanan. Kasabay ng pagpapahalaga ng pamahalaan at pag-unlad ng lipunan, natamo ng usapin ng mga may-kapansanan ng Beijing ang napakalaking progreso.

Sa pamilya ng mga may-kapansanan sa Xicheng District ng Beijing, isinagawa ng 40-taong gulang na si Ginang Wang ang rehabilitation exercise sa patnubay ng doktor. Ang mga kasama niya ay mga may-kapansanang nakakatira sa paligid nito. Sinabi ni Ginang Wang na,

"Pagkaraan ng pagsasanay, may lakas ang paa't kamay ko, medyo magkabalanse ang dalawang paa ko at maaaring lumakad."

Ang pamilyang ito ay isang lugar kung saan ipinagkaloob ng pamahalaan ng Xicheng District ang komprehensibong serbisyo sa mga may kapansanan batay sa yaman ng serbisyong pampubliko ng kapitbahayan. Dito sa pamilyang ito, maaaring tumanggap ang mga may-kapansanan ng rehabilitation exercise, segurong panlipunan at pagsasanay ng kakayahan ng paghahanap-buhay, magsagawa rin sila ng iba't ibang aktibidad na pangkultura't pampalakasan, at ang lahat ng mga serbisyong ito ay walang bayad.

Sinabi ni Ginang Liu Zhijing, direktor ng pederasyon ng mga may-kapansanan ng Xicheng District ng Beijing na sa distritong ito, sa bawat kapitbahayan, may mga doktor at mahigit 150 koordinator ng may-kapansanan at maaaring dumating ang mga residente ng istasyon ng serbisyong pangkapitbahayan sa loob ng 15 minutong paglakad at magtamasa ng iba't ibang serbisyo't tulong.

"Lubos na isinaayos namin ang mga propesyonal na organong medikal sa distritong ito at iniugnay ang naturang pamilya sa 7 sentro ng serbisyong pangkalusugan at 48 istasyon ng serbisyong pangkalusugan ng kapitabahayan upang makatugon sa pundamental na pangangailangan ng mga may-kapansanan sa Xicheng District."

Bukod sa pagkakaloob ng rehabilitasyon, lubos na iginagarantiya ng Beijing ang karapata't kapakanan ng mga may-kapansanan sa larangang gaya ng segurong panlipunan, edukasyon at paghahanap-buhay. Isinalaysay ni Ginoong Li Caimao, direktor ng tanggapan ng komisyon ng gawain ng mga may-kapansanan ng Beijing na,

"Nagtatamasa ang 100 libong may-kapansanan sa Beijing ng paggarantiya sa pamumuhay sa pinakamababang lebel at regular na subsidy sa pamumuhay ng pamahalaan. May mabisang garantiya ang pamumuhay ng mga may-kapansanan. 99.5% may-kapansanang kabataan sa buong lunsod ang tumanggap ng compulsory education at naisakatuparan ng 70 libong may-kapansanan ang pagkahanap-buhay."

Sa kasalukuyan, pawang nakakatugon sa pangangailangan ng paglalakbay ng mga may-kapansanan ang lahat ng mga istasyon ng rail traffic ng Beijing. Kasabay nito'y kapansin-pansin ang naging pagtaas ng kakayahan ng mga may-kapansanan sa pakikisangkot sa lipunan. Isinalaysay ni Ginoong Li Maocai na nakikisangkot ang maraming may-kapansanan sa Beijing Olympic Games sa iba't ibang porma.

"12 libong may-kapansanan ang nagpatala sa pagiging boluntaryo sa Paralympics. 680 may-kapansanang artista sa buong lunsod ang lalahok sa mga seremonya ng pagbubukas at pagpipinid ng Beijing Paralympics. Sa mga regalo para sa Olympic at Paralympic Games, ipinagkaloob ng Beijing ang mahigit 100 libong regalo at ang lahat ng mga ito ay niyari ng mga may-kapansanan. Totoong nagtamasa ang mga may kapansanan ng tuwa ng pakikisangkot sa Olimpiyada."