• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-01 15:08:35    
Agosto ika-25 hanggang ika-31

CRI
Noong isang linggo, binati ng mga lider ng mga bansang ASEAN ang matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympic Games at hinahangaan ang ambag ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino para rito. Sinabi ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas na ang Beijing Olympic Games ay isang dakilang Olimpiyada at ipinagdiriwang ng mga mamamayang Pilipino, kasama ang mga mamamayang Tsino, ang tagumpay nito. Ipinahayag ni Lee Kuan Yew, Minister Mentor ng Singapore, na ang matagumpay na pagdaraos ng Olimpiyada ay nagpapakita ng natamong progreso ng Tsina sa kabuhayan, lipunan at teknolohiya. Ipinahayag ni Than Shwe, punong ministro ng Myanmar, na ang seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympics ay nagpakita hindi lamang ng tradisyonal na kultura ng Tsina, kundi rin ng imahe ng kasalukuyang Tsina. Sinabi ni Norodom Sihamoni, hari ng Kambodya, na pangmalayuan at malawakan ang katuturan at impluwensiya ang kasalukuyang Olimpiyada at lubos itong nagpapakita sa buong daigdig ng tagumpay ng Tsina sa pag-unlad. Sinabi naman ni Pangulong Nguyen Minh Triet ng Biyetnam na ang Olimpiyadang ito ay isa sa mga pinakamatagumpay na Olimpiyada sa kasaysayan at iniwan ng paghahanda at hospitalidad ng Tsina ang malalimang impresyon sa mga lider, manlalaro at manonood ng iba't ibang bansa.

       

Idinaos noong Miyerkules sa Singapore ang ika-7 pagsasanggunian ng mga ministrong pangkabuhayan ng Tsina at ASEAN. Nagsasanggunian ang 2 panig hinggil sa mga isyung panrehiyon, lalu-lalo na mga kasunduang pangkalakalan at pampamumuhunan na may kinalaman sa framework ng malawak na kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at ASEAN. Nagpalabas ang 2 panig ng magkasanib na pahayag na winiwelkam ang substansyal na progreso ng talastasan hinggil sa kasunduang pampamumuhunan ng Tsina at ASEAN at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtatapos ng kasunduan bago idaos ang summit ng Tsina at ASEAN sa Disyembre sa taong ito.

Pagkaraan ng paglahok sa naturang pagsasanggunian, ipinahayag noong Huwebes sa Singapore ni Chen Jian, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na magsisikap ang kaniyang bansa para maigarantiya ang pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA sa taong 2010 ayon sa iskedyul. Ipinahayag niyang buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga ministro ng kabuhayan ng 10+1 na pasulungin ang proseso ng talastasan hinggil sa ika-3 dokumento ng CAFTA, alalaon baga'y kasunduan sa pamumuhunan para matapos ang talastasang ito sa loob ng kasalukuyang taon at sa gayo'y maigarantiya ang pagtatatag ng CAFTA sa taong 2010. Isinalaysay ni Chen na noong isang taon, ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN ay umabot sa 202.5 bilyong dolyares at naisakatuparan nang mas maaga ng 3 taon ang target na itinakda ng mga lider ng dalawang panig hinggil sa 200 bilyong dolyares na kalakalan. Isiniwalat din niyang sa darating na 5 taon, magkakaloob ang Tsina sa mga bansang ASEAN ng pamilihan ng pag-aangkat na nagkakahalaga ng 2 trilyong dolyares.

Ipinatalastas noong Huwebes sa isang preskon sa Beijing ng panig Tsino na mula ika-22 hanggang ika-25 ng darating na Oktubre, idaraos sa Nanning ng Guangxi ang ika-5 China-ASEAN Expo. Isinalaysay ni Li Jinzao, pangalawang tagapangulo ng Rehiyong Awtomono ng lahing Zhuang ng Guangxi, na sa kasalukuyang ekspo, itatatag ng 6 na bansang kinabibilangan ng Kambodya, Indonesya, Malaysya at Biyetnam ang kani-kanilang sariling pabilyon at lalaki nang marami ang bilang ng eksibit. Tataas ang kalawakan at kalidad ng mga kalahok na bahay-kalakal.

Sinabi noong Huwebes sa preskon sa Beijing ni Gao Hucheng, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na nitong nakalipas na ilang taon, mabilis na umuunlad ang kalakalang Tsina-ASEAN at ang ASEAN ay posibleng magiging ika-3 pinakamalaking trade partner ng Tsina. Sinabi niyang bumubuo ang halaga ng kalakalang Tsina-ASEAN ng 1/4 ng kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina at ang ASEAN ay ika-4 na pinakamalaking trade partner ng Tsina. Noong unang hati ng taong ito, umabot sa halos 120 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan ng dalawang panig na lumaki nang halos 30% na lumampas sa bahagdan ng paglaki ng kalakalang Sino-Amerikano at Sino-Hapones.

Ipinatalastas noong Marter sa Beijing ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dadalaw sa kanyang bansa si Wong Kan Seng, Pangalawang Punong Ministro ng Singapore. Sinabi ni Qin na sa paanyaya ni Wang Qishan, Pangalawang Premyer ng Tsina, mula ika-2 hanggang ika-6 ng susunod na buwan, dadalaw si Wong sa Tsina para mangulo, kasama ni Wang, sa ika-5 pulong ng magkasanib na lupon sa bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa, ika-10 pulong ng magkasanib na lupong tagapagkoordina sa Industrial Zone sa Suzhou at unang pulong ng magkasanib na lupong tagapagkoordina ng lunsod na ekolohikal sa Tianjin.

Iniabot noong Martes ni Pan Guangxue, Embahador ng Tsina sa Laos kay Somsavat Lengsavad, Pangalawang Punong Ministro ng Laos, ang 100 libong dolyares na ipinagkaloob ng pamahalaang Tsino bilang tulong sa Laos sa paglaban sa baha. Sa ngalan ng pamahalaan ng Laos, nagpahayag si Somsavat ng pasasalamat sa tulong ng Tsina. Ipinahayag ni Pan na nakahanda ang pamahalaan at mga mamamayang Tsino na magkaloob ng kinakailangang tulong sa Loas para sa paglaban sa baha at pagpapanumbalik ng normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon.