Talagang mapapalad ang mga nakarating ng Beijing. Sila ay kabahagi ng history in the making. Ang Beijing Summer Games ngayong taon ay hindi pangkaraniwang paligsahan. Ito ay espesyal na kompetisyon na magkakaroon ng espesyal na marka sa kasaysayan ng Olympics. Namalas ng buong mundo ang galing ng China sa pag-o-organize ng prestihiyosong international athletic competition, ang Chinese hospitality, ang mahabang history ng Chinese civilization at ang Olympics na may cutting-edge technology.
KC Orioste Lumban, Laguna
Sana magkaroon tayo ng tunay na magagaling na players na sasabak sa mga susunod na Olympics. Panahon na para pagtuunan ng pansin ng mga kinauukulan ang Philippine sports at Filipino athletes.
Blanca Cabral Cebu City
Ka Ramon, binabati ko kayong lahat diyan sa Beijing. Hindi lang iyong ceremony ng Olympics ang maganda. Maski iyong pagdadala ng host sa Olympics maganda rin. Kahit saan pumunta iyong mga foreigners may nakahandang magbigay ng assistance sa kanila. Maraming interpreters sa paligid at maraming volunteers na ready na magbigay ng tulong. Wala nang hahanapin pa ang isang dayuhang bisita sa Beijing. Hindi sila maliligaw at hindi sila malalansi ng sinuman. Unang linggo pa lang ng Olympics, alam ko na na ito ay isang malaking tagumpay.
Dr. George Medina Nakar, San Andres Manila
|