• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-02 14:56:22    
Isang babaing nagsindi ng flame ng Paralympics Games

CRI

Noong ika-28 ng nagdaang buwan, sinindihan sa Tiantan ng Beijing ang flame ng Paralympics Games at sinimulan ang paghahatid nito sa loob ng Tsina. Bilang kinatawan ng 83 milyong may kapansanan ng Tsina, ang karanasan ni Jiang Xintian, sugo ng pagkuha ng flame at babaing anchor ng sign language ng Disabled People's Arts Troupe ng Tsina na nagsindi ng flame, ay siyang lubusang pagpapaliwanag ng islogang pangingibabaw, pagkakasalamuha at pagbabahaginan ng Paralympics.

Sa sandaling sinindihan ni Jiang ang flame, kung may isang tao sa mundo na mas masigla kaysa kanya, ang taong ito ay walang iba kundi ang ina niya na si Zhao Lin, guro ng mababang paaralan ng Qingdao ng lalawigang Shandong. Nang mabanggit ang tagpo noong panahong iyon, nananatiling masigla si Zhao.

"Nang makita kong sinindihan ang flame, gayon na lamang ang antig ko na lumuluha ako."

Ang 24 na taong gulang na si Jiang Xintian ay nabingi nang bata pa. Ikinababalisa minsan ni Zhao ang pamumuhay ng kaniyang anak na babae. Datapuwa't ang matatag na pagkatao at kakayahan ng pag-aasikaso sa sarili ni Jiang ay malaking ikinagulat ng ina niya.

"Noong mahigit 2 taong gulang pa siya, maaari siyang sariling bumili ng mga ice-cream at sa tingin ko, ito ay paggaya niya sa mga maygulang para makipagpalitan sa lipunang ito."

Mula roon, sinadya ng ina ni Jiang na kadalasang makilahok si Jiang sa mga aktibidad na panlipunan at kung may bibilhing mga pang-araw-araw na gamit, siya ang ipinadala namin. Sa gayo'y, nagiging mas matatag at may kompiyansa siya sa pakikipagkontak sa lipunan. Sa panahon ng mababa't mataas na paaralan, lagi siyang mahusay sa pag-aaral at madalas siya lumahok sa iba't ibang aktibidad na itinaguyod ng kawanihan ng edukasyon at Disabled Person's Federation ng Qingdao at ang kanyang performance ay pinapurihan ng publiko.

Unti-unti, hindi lamang ganap na tinanggap siya ng lipunan, kundi husto niyang performance ay lumampas sa inaasahan ng kaniyang ina. Noong 2003, nagpatala siya sa paglahok sa paligsahan ng Miss Universe at nakakuha ng ika-6 na puwesto sa rehiyong Tsino dahil sa kanyang kagandahan, kompiyansa at kabaitan at nakatawag siya ng pansin ng daigdig. Ang pangarap ni Jiang, sa mula't mula pa'y sumapi sa grupong pansining ng mga may kapansanan at agarang binigyang-pansin siya naman ng grupong ito. Kaya nang piliin ang anchor ng sign language ng grupong ito, si Jiang ay unang pinansin ng grupo. Noong Marso ng 2004, sumama siya sa kanyang grupo papunta sa Timog Korea para itanghal. Tinanggap ng palabas niya ang papuri ng iba't ibang panig at mula roon, lalabas siya ng bansa nang mahigit 10 beses tuwing taon.

Hindi siya kontento sa naturang tagumpay. Kaugnay ng kaniyang hinaharap, sinabi niya sa pamamagitan ng sign language.

"Ang aking pangarap ay maalwang magtapos ng kurso ko sa unibersidad at sa mula't mula pa'y gusto kong maglingkod sa mga may kapansanan."

Sa katotohanan, nagsisikap si Jiang para rito. Sa pamamagitan ng paglahok sa isang serye ng aktibidad ng Paralympics, binahaginan ni Jiang ang buong daigdig ng kagandahan, kompiyansa at optimismo ng mga Tsinong may kapansanan.

Para kay Jiang, di-madali ang tungkulin bilang sugong ito. Sa ilalim ng pagtulong ng guro, isinaasyos niya batay sa musika ang 3 aksyon ng pagkuha ng flame sa ritmo at tinupad niya ang tungkuling ito batay sa ritmong ito.

Sa pamamagitan ng magandang body language, siya'y tumpak na nagpaliwanag ng kadalisayan, kasolemnahan at kabaitan na dapat angkinin ng isang sugo at babaing may kapansanang Tsino.

Dahil may mga katrabaho ni Jiang ang lalahok sa palabas ng seremonya ng pagbubukas at pagpipinid ng Paralympics, kaya sa kasalukuyan, puno si Jiang ng ekspektasyon sa Paralympics. Sinabi niya na

"Hindi perpekto ang pamumuhay ng bawat tao. Katulad ng ilang tao, hinahanap naman naming mga may kapansanan ang sariling pangarap at kahalagahan ng buhay. Umaasa akong pagkatapos ng Paralympics, patuloy na ipagmamalasakitan kaming mga may kapansanan ng mga tao na gaya ng ginawa nila sa panahon ng Paralympics."