• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-03 16:31:16    
Mga bulag na masahista, maglilingkod sa Paralympics

CRI

Sasalubong ang Beijing ng ika-13 Paralympics Games sa malapit na hinaharap at sa panahong iyon, paparito ang mahigit 4000 manlalaro, mahigit 2500 tagasanay at tagahatol at mahigit 4000 newsmen na galing sa 148 bansa at rehiyon. Upang maigarantiyang maalwang tumakbo ang Paralympics, puspusang nagsisikap ang 44 na libong boluntaryo nito na kinabibilangan ng ilang espesyal na grupong binubuo ng mga bulag na masahista, sa programang ngayong gabi, pakinggan ninyo ang ulat hinggil sa kanila.

Sa komprehensibong klinika ng Paralympics Village, may halos 60 masahista'y nagbibigay ng serbisyong masahe sa mga manlalaro, opisiyal, mamamahayag at kaibigan ng iba't ibang bansa at sa mga ito'y 10 ang bulag na masahista. Si Lu Xin, Chen Huiying at Wang Yanju ay 3 sa kanila. Sinabi ni Lu na:

"Ang ganitong masahe ay nagsisilbing isang tradisyonal na propesyong may katangiang Tsino. Bilang bulag na masahista, ikinararangal ko ang pagiging boluntaryo ng Paralympics at pagpapakita sa daigdig ng medisina at masaheng Tsino sa pamamagitan ng pagkakataong ito."

26 na taong gulang na si Lu ay taga-Hubei at 6 na taon ang kanyang karanasan bilang masahista. Noong 19 na taong gulang pa siya, nabulag siya dahil maysakit ang mga mata niya at sa gayo'y nagsimula siya sa pag-aaral ng masahe at naging kanyang karera ang masahe mula roon.

Sinabi ni Wang Changhan, Direktor ng sentro ng pamamatnubay sa bulag na masahe ng Beijing, na sa pahanon ng paghahanda para sa Beijing Olympic Games at Paralympics Games, nagpatala ang mahigit 500 bulag na masahista ng pagiging boluntaryo at batay sa kahilingan ng lupong tagapag-organiysa ng Olimpiyada, pinili ang 10 sa kanila. Sinabi ni Wang na gayunpamang nakakatagpo ang naturang mga bulag ng ilang kahirapan sa pag-aaral, paghanap-buhay at pagpapalitan, sa ilalim ng tulong ng iba't ibang sirkulo ng lipunan, maaari nilang normal na namumuhay at optimistiko sila sa kanilang hanap-buhay. Pinapurihan niya ang naturang mga bulag.

"Ang mga bulag sa bagong henerasyon ay mga batang may kaalaman, kultura, ambisyon at kasiglahan at gaya ng aming mga normal na tao, nakapaglilingkod sila sa lipunan sa pamamagitan ng kanilang kahusayan."

Sa komprehensibong klinika ng Paralympics Village, ang lahat ng mga bulag na masahista ay kabataan. Ang 26 na taong gulang na si Chen Huiying ay taga-Beijing. Dahil sa sakit ng mga mata, nanlalabo ang kanyang paningin at hindi makakakita ng mga bagay sa malayo. Isang taon na ang nakararaan, natapos niya ang pag-aaral sa espesyal na school ng Beijing Union University at nagsimula ng karera niya sa Beijing Massage Hospital. Ipinalalagay niyang ang pagkakaroon ng trabaho sa Beijing Massage Hospital ay pinakamasuwerte at pinakamasaya para sa kaniya. Nang kalapin ng BOCOG ang mga bulag na masahista, agad na siyang nagparehistro. Napili siya pagkaraan ng mahigpit na pagsusulit. Sinabi ni Chen na:

"Nakaranas ako ng mahigpit na interbyur at pagsusulit na pundamental na kaalaman. Bukod sa kaalaman hinggil sa Olimpiyada, kailangan namin ang pagmamaster ng wikang Ingles para sa kumunikasyon."

Ang Paralympics Village ay lugar na pinagtatrabahuhan niya. May kontak si Chen doon sa mga opisyal, manlalaro at mamamahayag mula sa iba't ibang bansa ng daigdig. Nang masahehin niya ang mga panauhin, ipinakilala niya ang hinggil sa kaalaman ng masahe at pinalaganap ang tradisyonal na medisinang Tsino. Anya, positibo ang mga panauhin sa kanyang masahe, sinabi niyang:

"Ikinasisiya ng mga panauhin ang aking masahe. Kasabay ng pagbibigay ng serbisyo, ipinalalaganap ko sa kanila ang tradisyonal na medisinang Tsino. Itinuturing ko ang aking sarili na isang katawan ng mga boluntaryong Tsino, nakapagbibigay ako ng kasiya-siyahang serbisyo sa mga panauhin, ikinararangal ko ito."

Si Wang Yanju ay isa pang bulag na masahistang marunong sa pagsasalita ng Ingles. Sinabi niyang:

"Umaasang magiging malusog kayo sa pamamagitan ng aming masahe. Umaasang magkakaroon kayo ng magandang panahon sa Beijing!"