Gaganapin ang Beijing Paralympic Games at idaraos ang mga paligsahan sa 17 venues ng Beijing at mga palaruan ng HongKong at Qindao. Bago ang opisyal na pagbubukas ng Paralympic Games, anu-anong paghahanda na isinagawa sa mga palaruan?
Sa panahon ng Beijing Paralympic Games, gagawaran sa National Stadium o bird's nest ang 160 medalyang ginto, ang prize-awarding platform ay naging tampok na nakakatawag ng malawakang pansin ng publiko. At, kumpara sa Olympic Games, anu-ano ang pagkakaiba ng prize-awarding platform ng Paralympic Games? Isinalaysay ni Liu Henian, pangalawang kalihim ng operasyon ng National Stadium na:
"Ito ang non-barrier prize-awarding platform, kaugnay ng pagsakay ng mga manlalaro ng wheelchair, una, dapat maging malapad ang platapormang ito, ikalawa, dapat gawing pahilig ang likod nito."
Ang non-barrier prize-awarding platform ay isa sa mga paghahandang ginawa sa mga Paralympic Venues. Mula Olympic Games hanggang sa Paralympic Games, sa loob ng ganitong maikling panahong transisyonal, buong lakas na nagsisikap ang mga working staff para ganap na maigarantiyang mag-enjoy ang mga atletang may kapansanan ng pinakamagaling kapaligiran ng kompitisyon. Ang pagdaragdag at pagsasaoperasyon ng non-barrier na elevator at W.C., paglatag ng pansamantalang blind road, pagtatatag ng istasyon ng pagkukumpuni ng artificial limbs at wheelchair, ay nagpapakita ng kagandahang-loob ng mga working staff para sa mga atleta.
Sa pamumuno ni Liu, sumakay ang mamamahayag ng non-barrier bus para sa mga atleta para makaramdam ng mga non-barrier facilities sa bus. Sinabi pa ni liu na:
"Ito ang non-barrier bus para sa mga may kapansanan. Ang wheelchair ay maaaring kabitan. Karaniwa'y nagkakasya ang ganitong bus sa pitong wheelchair. Maaaring ibuka nang automatiko ng bus ang isang piraso ng bakal na plantsa para iugnay sa non-barrier stop at sa gayo'y makakaakyat at bababa nang malaya ang mga manlalarong may kapansanan."
Sa katunayan, hindi lamang ayos na lahat ang National Stadium, gayon rin ang National Indoor Stadium na pagdarausan ng paligsahan ng wheelchair basketball sa ika-7 ng buwang ito. Bukod sa laruan, training center, fitting room at iba pang non-barrier facilities para sa paglabas-pasok ng mga manlalarong may kapansanan ang dalawang pansamantalang platapormang pahilig ay nakatawag din ng pansin ng mamamahayag. Isinalaysay ni Xu Shaoqing, pangalawang kalihim ng operasyon ng National Indoor Stadium na gagamitin ang mga ito para sa mga atleta na manood ng paligsahan.
"Ang dalawang malaking plataporma ay instalasyong pansamantalang idinagdag namin. Sa panahon ng kompitisyon, tiyak na meron ng iba pang grupo na manood ng paligsahan, epesyal na itinatag ang mga ito para sa kanila, napakaginhawa ng sakay ng wheelchair, masasabing, ito ang pinakamabuting lugar sa aming venue.
Kasabay ng paglikha ng iba't ibang Paralympic venues ng mahusay na kapaligiran ng kompitisyon, hindi ipinagwalang-bahala nila ang serbisyo sa software at ang medical care ay isa sa mga ito.
Si Fang Qiuhong, doktor ng Beijing Shijitan Hospital, ay isa sa mga boluntaryo ng grupong medikal ng Beijing Paralympic Games. Ipinalalagay ni Dr Fang na ang "non-barrier" para sa mga atletang may kapansanan, bukod ng non-barrier sa kapaligiran, dapat maging non-barrier sa puso.
"Dapat pantay-pantay na tratuhin namin sila, tulad ng normal na tao, malusog sila sa isip."
Masipag na masipag ang mga working staff, lubos na pinapurihan sila ng mga manlalaro. ipinalalagay ni Viktor Cerpov, atleta ng Ukrain na lumahok sa tatlong Paralympic Games na malaliman ang kanyang impresyon tungkol sa mga Paralympic venues sa Beijing.
"Nitong 2 araw na nakalipas, bumisita minsan ako ng mga Paralympic venues, magaling na magaling ang mga kondisyon at napakaginhawa, masuwerte ako na pumarito at lumahok sa paligsahan.
|