• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-04 16:37:48    
Kaluwalhatian, Awit ng Olimpiyada, Guo Rong

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Olympic Songs.

Hello kina Jane, Tin Tin at Fely ng Riyadh, Saudi Arabia. Salamat sa inyong pagpapahalaga sa Beijing Olympics at Paralympics. Ang Paralympics ay gaganapin mula ika-6 hanggang ika-17 ng Setyembre.

Sina Jane, Tin Tin at Fely ay mga nurse sa isang ospital sa Riyadh, Saudi Arabia.

Iyan, narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "Isang Mundo, Isang Pangarap" nina Liu Huan at Naying.

Kayo ay nasa Himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Olympic Songs ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Sabi ni Pablo Cruz ng San Juan, Cabangan, Zambales, wala raw naiuwi ni isa mang medalya ang mga atleta natin na sumabak sa 29th Olympiad, pero nakapag-uwi naman ng ginto, pilak at tanso ang mga manlalaro natin sa demonstration sport na wushu na ginanap during Beijing Games. Dapat aniya nating ipagmalaki ang mga medalist na ito pero huwag naman daw nating kalilimutan iyong mga non-medalist na buong tapang na sumali sa Beijing Games. Higit na mahalaga aniya ang laro kaysa panalo. Iyan, narinig niyo, uulitin ko: "Higit na mahalaga ang laro kaysa panalo."

Salamat sa iyong e-mail, Pablo. Napakaganda ng iyong point of view.

Narinig naman ninyo "Ang Ating mga Pangarap" sa pag-awit ni Wang Feng.

Sabi ni Lara ng Shunyi Beijing: "Dapat bigyan natin ng equal importance ang ating mga Olympians at Paralympians. Kung minsan nga, daig pa ng mga handicapped members ng society ang mga non-handicapped kung sipag, tiyaga at kaalaman din lang ang pag-uusapan."

Thank you sa iyong SMS, Lara. 100% na tama ka diyan sa sinabi mong iyan.

At iyan naman si Guo Rong sa awiting "Kaluwalhatian."

Bigyang-daan natin ang isa pang SMS. Sabi ng 910 340 8695: Magaganda ang programa ng China para sa mga may physical problems kaya madali siyang makakapag-produce ng magagaling na athletes para sa Paralympics.

Thanks sa SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating munting palatuntunan sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.