• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-04 18:25:32    
Positibo ang pananaw sa kabuahayan pagkaraan ng Beijing Olympic Games

CRI
Bilang isang pandaigdig na lunsod, nitong ilang taong nakalipas, may mas maraming dayuhan ang nag-tatrabaho sa Beijing. Kasunod ng pagtatapos ng Beijing Olympic Games, pumasok na ang Beijing sa isang panahong pagkaraan ng Olympic Games, positibo rin ang pananaw sa pag-unlad ng kabuahayan ng Beijing sa hinaharap.

Si Michel Sutyadi ay galing sa Alemanya, may isang maliit na tindahan siya at nagbebenta ng serye ng mga produktong idinisenyo niyang sarili at sa mga produktong ito, mabili-mabili ang mga T-shirt na may katangian ng Beijing.

Nakinabang ang kaniyang negosyo sa Beijing Olympic Games at nauunawaan ng maraming bisitang dayuhan ang Beijing sa pamamagitan ng mga T-shirt ni Michel at nakakatulong naman ang mga ito sa pagpapalaganap ng pangangalaga ng kapaligiran. Ipagpapatuloy ni Michel ang kaniyang desenyo. Sinabi niyang:

"Nakikinabang kami sa mga bagong imprastruktura ng Beijing Olympic Games: bagong subway, bagong venue at gusali. Sa tangin ko, para sa mga taong namumuhay sa Beijing, ang lahat ng mga ito ay mabuting bagay. Pagkaraan ng Olympic Games, Beijing ay tiyak na magiging isang lugar na maginhawa para sa pagtira ng mga mamamayan. Bukod dito, nagsisikap ang mga mamamayan dito para bumago ng isyu ng kapaligiran para umabot sa ito pandaigdig na istandard. Kaya, sa palagay kong tiyak na uunlad pa ang Beijing pagkaraan ng Olympic Games."

Si Daya Shanker mula sa Indya ay nakatira sa Beijing nang 10 taon, umaasa siyang ipapakilala ang pagkain at kultura ng Indya sa mga mamamayang Tsino sa pamamagitan ng kaniyang kainang Indya. Sinabi niyang :

"Ako ay nagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayang Tsino, isinalaysay ang mga pagkain ng Indya sa kanila at ipinaalam nila ang hinggil sa Indya. At ito ay ang dahilan ng pagpapatakbo ng restaurant ko sa isang lugar na may maraming taong Tsinong tumitira."

salin:wle