Habang patuloy sa paghahanda ang Beijing para sa Paralympic Games na magsisimula bukas, patuloy din naman sa pagpapadala ng mga mensahe ng papuri at pagbati ang masusugid na tagapakinig ng Serbisyo Filipino.
Ipinapahayag nila ang kanilang paghanga sa paraan ng paghahanda ng Beijing para sa Paralympic Games. Sabi nila, magiging maalwan para sa mga manlalarong may kapansanan ang mga daratnan nilang sports venues, Paralympic Village, Gymnasiums at iba pang facilities.
Ipinaaabot din nila ang kanilang pagbati sa Beijing Olympic Committee para sa earlier-than-usual na pagsisimula ng Paralympic Games. Sabi nila, hindi raw sila nainip sa paghihintay at kung paano raw nila pinanabikan ang Olympics ganundin naman ang Paralympics.
Bukod sa kaniyang pagbati at pagpuri sa Beijing Organizing Committee dahil sa aniya ay super galing na paghahanda nito sa Paralympic Games, sinabi rin ni Pomett Ann Sanchez ng Maynila na:
Si Pommett ay isang call center agent at pitong taon nang nakikinig sa Serbisyo Filipino.
Bukod naman sa pagsasabing ang Paralympic Games ay co-equal ng Olympic Games sa maraming aspekto at hindi ito dapat isnabin ng balana, sinabi rin ni Jonah Domingo na:
Si Jonah ay isang IT specialist at walong taon nang nakikinig sa Serbisyo Filipino.
Bukod naman sa pagsasabing umaasa siyang makakapanood ng fantastic games ang mahigit isang milyong spectators na nakakalat sa buong mundo, sinabi rin ni Romulo de Mesa ng Marinduque na:
Si Romulo ay isang refrigeration and air-conditioning expert at limang taon nang nakikinig sa Serbisyo Filipino.
Bukod naman sa kaniyang mga papuri sa BOC, sa volunteers at sa mga residente ng Beijing, sinabi rin ni super DJ Happy na:
Si Happy ay isang ECE at sampung taon nang nakikinig sa Serbisyo Filipino.
Ngayon, tingnan naman natin ang mga mensahe ng ating textmates.
Mula sa 917 401 3194: "Champion ang inyong Olympics kaya pihado ganundin ang Paralympics! Champion kayo sa sports at pag-o-organize ng Olympic events! Talaga--you are the champion!"
Mula naman sa 0086 134 26121 7880: "Marami kayong record-breaking feats sa Olympics! We expect the same thing sa Paralympics!"
Mula naman sa 0041 787 882 084: "Magaganda ang patakaran ng China para sa mga may physical disadvantage members of society at sa sports in general kaya puwedeng mag-uwi itong muli ng maraming ginto!"
Mula naman sa 0086 135 2023 4755: "Sana magkaroon pa ng maraming ganitong pagkakataon para sa mga citizens na may handicap! Marami silang puwedeng gawin! Break lang ang kulang!"
At mula naman sa 917 351 9951: "All-out support kami sa paralympians sa buong mundo! All-out support kami sa Paralympic movement! All-out support kami sa Beijing Paralympics 2008!"
Ngayon, tunghayan naman natin ang mga e-mail.
Sabi ni Leslie Ducut ng Davao City, Philippines: "Binabati ko ang Beijing Olympic Organizing Committee dahil medyo mabilis nitong nagawang pang-Paralympics ang mga facilities na pang-Olympics. Nagawa ng committee ang conversion sa loob lamang ng 2 linggo. Ngayon, handa na ang Beijing para sa pagdaraos ng Paralympics at handa na rin ang mga spectators sa lahat ng sulok ng daigdig para ma-enjoy ang performances ng mga paborito nilang Paralympians. Sana, tulad din ng Olympics, maidaos ang Paralympics without too much glitches."
Sabi naman ni Sarah Samudio ng AMA Computer College: "Binabati ko ang lahat ng Paralympians from all over the world. Narito na ang magandang pagkakataon para maipakita ninyo sa lahat ang inyong galing. Malaki ang role ninyo sa Beijing Paralympics para maghatid ng karangalan sa inyo-inyong bansa. More power and good luck sa inyo!"
At sabi naman ni Gladys Corpus ng West Coast Way, Singapore: "Na-enjoy ko ang Olympics dahil pinanood ko without commercial sa Clark Field. Umaasa ako na ma-enjoy din ang mga paligsahan sa pagsisimula ng Paralympics. May mga inaabangan akong players sa wheel chair basketball at sa volleyball. Kahanga-hanga sila dahil parang wala silang kakulangang pisikal pag nasa playing fields. Altogether, let's cheer them!"
Maraming-maraming salamat sa inyong mga e-mail, Leslie, Sarah at Gladys.
At salamat din sa inyong lahat sa inyong walang-sawang pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|