Nakipagtagpo noong Biyernes sa Beijing si Premiyer Wen Jiabao ng Tsina kay Wong Kan Seng, Pangalawang Punong Ministro ng Singapore na lumahok sa pulong sa kooperasyong bilateral ng Tsina at Singapore. Binati ni Wen si Wong sa pagtamo ng bunga sa pagdalaw na ito. Sinabi niyang sa pamamagitan ng pagsisikap, narating na ng dalawang panig ang komong palagay sa pagdating ng kasunduan sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Singapore at naglatag ito ng pundasyon para sa paglagda ng kasunduang ito sa panahon ng pagdalaw sa Tsina ni punong ministro Lee Hsien Long ng Singapore sa susunod na buwan. Pinasalamatan naman ni Wong ang pagkatig na ni Wen sa pagdating ng kasunduang ito.
Nauna rito, kasiya-siyang natapos noong Miyerkules sa Tianjin ang talastasan ng Tsina at Singapore hinggil sa malayang sonang pangkalakalan ng dalawang bansa, at opisyal na lalagda sa susunod na buwan ang dalawang bansa sa kasunduan ng malayang sonang pangkalakalan, at ito ay ibayo pang makakapagpasulong sa kanilang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at sa proseso ng integrasyon ng Silangang Asya.
Nang araw ring iyon, magkasamang naglakbay-suri sina pangalawang premyer Wang Qishan ng Tsina at Pangalawang Punong Ministro Wong Kan Seng ng Singapore sa starting region ng ekolohikal na lunsod ng dalawang bansa. Biniyan nila ng positibong pagtasa ang proseso ng konstruksyon ng lunsod na ito.
Magkahiwalay na nakipagtagpo noong Martes sina tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at tagapangulo Jia Qinglin ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino kay dumalaw na pangulong Chea Sim ng mataas na kapulungan ng Kambodya. Sa pagtatagpo, sinabi nina Wu at Jia na mainam ang pag-unlad ng relasyong Sino-Kambodyano, lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, mabunga ang kanilang pragmatikong kooperasyon at kinakatigan at kinokoordinahan nila ang isa't isa sa mga mahalagang isyu. Anila, sasamantalahin ng Tsina, kasama ng Kambodya, ang pagkakataon ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa para komprehensibong mapasulong ang kanilang relasyon. Sinabi naman ni Chea na patuloy na pasusulungin ng Kambodya ang relasyon nila ng Tsina at palalalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa. Inulit din niya ang paggigiit ng kanyang bansa sa patakarang isang Tsina at pagtutol sa seperatistang aksyon ng pagsasarili ng Taiwan.
Itinakda noong Sabado ng grupo ng Great Mekong Subregion sa pagpapalitan at pagtutulungan ng teknolohiyang pang-agrikultura ang plano na pabilisin ng iba't ibang panig ang pagpapalitan at pagtutulungan sa aspekto ng bagong binhi at bagong teknolohiya ng soy bean, patatas, tubo at upland rice para maigarantiya ang seguridad ng pagkaing-butil, mapawi ang kahirapan at mapangalagaan ang kapaligiran. Sa kasalukuyan, binuo na ng iba't ibang panig ang mga working group para magsagawa ng mga substansiyal na kooperasyon batay sa naturang plano.
Ipinahayag noong Martes sa Beijing ni Jiang Yu, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang pangkaibigang kapitbansa ng Thailand, sinusubaybayan ng Tsina ang kalagayan ng Thailand at taos-pusong umaasa ang Tsina na mananatiling matatag ang kalagayang pulitikal ng Thailand.
|