• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-11 14:23:35    
Pomett Ann Sanchez, Joel Domingo at super DJ Happy: Congratulations sa lahat ng mga nasa likod ng matagumpay na pagbubukas ng Paralympics

CRI

Congratulations sa lahat ng mga nasa likod ng matagumpay na pagbubukas ng Paralympics. Umaasa ako na mararanasan din ng mga kalahok na Paralympians ang kasiyahang naranasan ng mga atletang sumali sa katatapos na Olympics. Makikita nila rito ang malaking malasakit ng China sa kapakanan ng mga may-kapansanan. Maraming may-kapansanan ang nag-i-excel sa maraming areas at ang sports ay isa sa mga ito. Sa pagdaraos ng athletic competitions na tulad ng Paralympics, natutulungan natin silang magamit ang kanilang kaalaman at kahusayan, kaya bigyan natin sila ng ayuda dito sa Beijing Paralympic Games.

Pomett Ann Sanchez

Sana, iyong mga facilities na gagamitin sa Paralympic Games ay ma-convert na training facilities para sa pagsasanay ng mga disabled athletes na may kakayahang makipag-compete sa international games, ba. Eh, maraming gustong maglaro sa iba't ibang athletic competitions, kaya lang wala silang formal training at material support mula sa sports organizations. Kaya, sana mabigyan ng pagkakataon ang mga ito.

Joel Domingo

Sana masamantala nila ang pagkakataong ito. Bihira lang ang ganitong pagkakataon kung kailan makakapag-uwi sila ng karangalan sa kani-kanilang bansa. Panonoorin sila ng milyon-milyong manonood sa buong mundo, kaya dapat magbigay sila ng magandang laban. Mayroon silang physical handicap, pero kung kakayahan din lang ang pag-uusapan, hindi naman sila nalalayo sa kanilang counterparts sa Olympics.

super DJ Happy