• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-11 14:31:04    
Mga bahay-bahayan sa Olympic Park, nagtatampok sa kulturang Tsino

CRI

Sa panahon ng Beijing Olympic at Paralympic Games, matatagpuan sa Beijing Olympic Park ang 30 bahay-bahayan na nagtatampok sa mga katutubong kultura ng iba't ibang lokalidad ng Tsina.

Sa mga bahay-bahayan, nakikita at nararanasan ng mga bisita ang makukulay na kabihasnan ng iba't ibang lalawigan ng Tsina sa pamamagitan ng mga itinatanghal na bagay, multimedia display, on-the-spot paggawa ng mga handicraft at interaction sa mga manonood.

Sa bahay-bahayan na nagtatampok sa kultura ng Taiwan, naaakit ang mga bisita ng mga makukulay at makikintab na iginlaze na bagay na gaya ng tanawin, Buddha at hayop. Ang lahat ng mga ito ay ginawa ni Gng. Yanghuishan. Kaugnay nito, ganito ang tinuran ng tour guide na si Gng. Chen Pei.

"Siyempre, ang kulturang Taiwanes ay naka-ugat sa kabihasnan ng Nasyong Tsino. Ang mga yaring-kamay ni G. Yang ay ginawa rin batay sa kulturang Tsino at sa sarili niyang inspirasyon, kaya, ang kanyang mga likha ay nagpapahiwatig ng damdamin at moralidad ng mga mamamayang Tsino."

Sa bahay-bahayan naman ng Chongqing, isa sa apat na munisipalidad ng Tsina, nakatawag ng pansin ng mga bisita ang isang babae na nagbuburda. Ayon sa empleyado na si G. Tan Xiaobing, ito ang kilalang kilalang double-sided Shu embroidery mula sa Sichuan. Sinabi pa niya na:

"Nawawalan ng pandinig ang burdadera, pero, dalubhasa siya sa double-sided Shu embroidery, ibig sabihin, sama-samang nakapagbuburda siya ng magkaibang disenyo sa pamamagitan ng kanyang kanan at kaliwang kamay ayon sa pagkakasunod. Halimbawa, kung nagbuburda siya ng pusa sa pamamagitan ng kanang kamay, ang kanyang kaliwang kamay ay nagbuburda naman ng ibang hayop. Ginagawa niya ang burda sa isang manipis na piraso ng seda."

Sa bahay-bahayan naman ng Shanghai, marami ring bisita. Ganito ang sinabi ng tour guide na si Jiang Wei.

"Maraming bisita ang interesado sa mga bagay na nakatanghal sa bahay-bahayan ng Shanghai na gaya ng mga katutubong instrumentong musikal at mga intangible pamanang pangkultura at gayundin ng exhibition zone na may kinalaman sa Shanghai 2010 World Expo."

Sinabi ng isa sa mga bisita na si G. Wang Bin na ang mga bahay-bahayan ay naglalarawan sa mga turista hinggil sa Tsina at sa Olimpiyada. Sinabi niya na:

"Sa pamamaigitan ng mga pagtatanghal na ito, nalalaman natin ang esensiya ng Olimpiyadang Pangkultura. Ipinakikita rin ng mga ito ang ugnayan ng kabihasnang Tsino at sibilisasyon ng sangkatauhan."

Ganito naman ang koment sa mga bahay-bahayan ni G. Manfred Bruhn, bisitang taga-Alemanya.

"Kawili-wili ang mga ito. Interesadong interasado ako sa istilo ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino na gaya ng kanilang katangian at kanilang ulam."