Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Olympic Songs.
Kumusta kay Roy Pacheco and company ng Lunsod ng Kalookan. Sinabi kong "and company" kasi laging may kasama itong si Roy sa kanyang pakikinig sa Serbisyo Filipino. Sabi, kung paano raw nila pinanabikan ang Beijing Olympics, ganoon din naman daw ang kanilang pananabik sa Beijing Paralympics.
Okay kayo, mga pare ko. Okay kayo!
Iyan, narinig ninyo ang magkasamang tinig nina Tan Jing at Yan Weiwen sa awiting "Magkakasamang Lumipad"--opening number natin.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Olympic Songs ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
May e-mail si Sarah Samudio ng AMA Computer College. Sabi: "Binabati ko ang lahat ng mga Paralympians from all over the world. Narito na ang magandang pagkakataon para maipakita ninyo sa lahat ang inyong galing. Malaki ang role ninyo sa Beijing Paralympics para maghatid ng karangalan sa inyo-inyong bansa. More power and good luck sa inyo!"
Salamat sa iyo, Sarah. Salamat.
Iyan naman ang duweto nina Jacky Chan at Wong Lee Hom sa awiting "Tindig."
Tingnan naman natin itong e-mail ni Alex Roman ng Dinalupihan, Bataan. Sabi ng e-mail: "Hindi tulad ng Paralympics noon, ang Beijing Paralympics ay gaganapin 2 linggo lamang pagkaraan ng Olympics at maraming events, athletes at torchbearers ang involved. Ito siguro ay parang bagong record na rin sa Paralympics. Parang wala man lang akong naririnig hinggil sa Philippine delegation. Alam ko na meron din naman tayong koponan para sa Paralympics."
Thank you sa e-mail, Alex.
Ang "Beijing Kong Mahal," inihatid sa ating masayang pakikinig ni Guan Zhe.
Sabi ng short note ni Marivic Lim ng Bajac-Bajac Olongapo City: "Naniniwala ako na mas inspired ngayon ang mga Paralympians dahil mas magaganda ang offer na sports venues ng Beijing. Tiyak na marami tayong mapapanood na magagandang laro sa mga darating na araw."
Thank you, Marivic.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Olympic Songs. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|