• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-12 19:14:03    
Seremonya ng Pagbubukas ng BJ Paralympics Alaalang Hindi Malilimutan

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2008.

Maganda ang dating sa mga tagapakinig ng opening ceremony ng Paralympics at maging ng pagsisimula ng mga paligsahan. Sa pamamagitan ng kanilang mga tinig, mensaheng SMS at e-mail, ipinaaabot nila ang kanilang paghanga at papuri sa makulay at maluningning na seremonya ng pagbubukas ng 2008 Beijing Paralympics at maalwang pagsisimula ng mga paligsahan. Sabi nila, ang nabanggit na seremonya ay nag-iwan sa kanila ng alaalang hindi nila malilimutan kailanman at ang maalwang pagsisimula ng mga paligsahan ay palatandaan ng mahusay na paghahanda ng Beijing.

Sa pag-uusap namin sa telepono, sinabi ng call center agent na si Pomett Ann Sanchez na:

"Congratulations sa lahat ng mga nasa likod ng matagumpay na pagbubukas ng Paralympics. Umaasa ako na mararanasan din ng mga kalahok na Paralympians ang kasiyahang naranasan ng mga atletang sumali sa katatapos na Olympics. Makikita nila rito ang malaking malasakit ng China sa kapakanan ng mga may-kapansanan."

Sinabi pa niya na marami siyang hinahangaang Paralympians na tulad nina Leung Yuk Wing ng Hong Kong, Abebe Fakadu ng Australia at Hollie Arnold ng Great Britain. Aniya, napakagaling nilang maglaro kaya hindi natin dapat ipagkait sa kanila ang mga ayudang kailangan nila.

"Maraming may-kapansanan ang nag-i-excel sa maraming areas at ang sports ay isa sa mga ito. Sa pagdaraos ng athletic competitions na tulad ng Paralympics, natutulungan natin silang magamit ang kanilang kaalaman at kahusayan, kaya bigyan natin sila ng ayuda dito sa Beijing Paralympic Games."

Sa hiwalay na pakikipag-usap ko sa telepono sa IT specialist na si Joel Domingo, sinabi niya na labis na hinahangaan niya ang stylish opening ng Beijing Paralympics at alam daw niya na inspirado ang mga Paralympian dahil pawang makabago ang facilities na alok sa kanila ng Beijing. Sana daw...

"Sana, iyong mga facilities na gagamitin sa Paralympic Games ay ma-convert na training facilities para sa pagsasanay ng mga disabled athletes na may kakayahang makipag-compete sa international games, ba. Eh, maraming gustong maglaro sa iba't ibang athletic competitions, kaya lang wala silang formal training at material support mula sa sports organizations. Kaya, sana mabigyan ng pagkakataon ang mga ito."

Sinabi naman ni super DJ Happy na ang pagbubukas ng Paralympics ay hindi kasing-haba at kasing-laki ng sa Olympics, pero ito ay hindi nalalayo sa Olympics kung kahulugan, kabuluhan at kaningningan din lang ang pag-uusapan. Para naman daw sa Paralympians, sinabi niya na:

"Sana masamantala nila ang pagkakataong ito. Bihira lang ang ganitong pagkakataon kung kailan makakapag-uwi sila ng karangalan sa kani-kanilang bansa. Panonoorin sila ng milyon-milyong manonood sa buong mundo, kaya dapat magbigay sila ng magandang laban. Mayroon silang physical handicap, pero kung kakayahan din lang ang pag-uusapan, hindi naman sila nalalayo sa kanilang counterparts sa Olympics."

Maraming salamat sa inyo, Pomett, Joel at Happy.

Ngayon, tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng mga mensahe ng ating textmates.

Mula sa 0086 8582 5132 877: "Binabati ko kayong lahat diyan, Kuya Ramon. Mahusay ang inyong pagbabalita hinggil sa Paralympics. Maganda ang opening ng Games na ito, parang sa Olympics rin."

Mula naman sa 919 257 8451: "Hindi namin malilimutan ang September 6, 2008 Ito ang fantastic opening ng fantastic Games ng mga may handicap sa buong mundo."

Mula naman sa 915 807 5559: "Mahirap mapantayan ang opening ceremonies ng Olympics at Paralympics. Congrats sa inyo!"

Mula naman sa 919 426 0570: "Halos parehong super ganda ang opening ceremonies ng Olympics at Paralympics. They will be remembered for a long, long time to come!"

Mula naman sa 0086 135 2023 4755: "Sabi ko na nga ba at bibigyan tayo ng magagandang laban ng ating mga paralympians. Mabuhay ang 2008 Beijing Paralympics!"

At mula naman sa 0086 134 2612 7880: "Greetings to all Paralympians na participants sa Beijing Games! We are there with you and always behind you!"

Ngayon, tingnan naman natin ang mga laman ng ating inbox.

Sabi ni Manuela Bornhauser ng Gachnang, Switzerland: "Kuya Ramon, thanks sa ParalympicSport.tv, napanood namin dito ang opening ng Beijing Paralympic Games. Sa tingin ko, ito ay maliwanag na reflection ng concern ng China para sa mga citizens nito na may physical disability at sincere commitment ng China sa Paralympic Movement. Mababasa rin sa napakagandang presentation ang modern approach ng China sa human values. This is exactly what makes the program big. Umaasa ako na magiging successful ang Paralympics na tulad din ng Olympics."

Sabi naman ni Kris Orense ng Shunyi, Beijing: "Dear Kuya Ramon, super salamat sa information na bigay mo sa akin about Paralympics in Beijing at about Paralympic Movement. Simple lang ang galing sa iyo pero malinaw at kapani-paniwala. Lagi akong naka-track sa 7.180 para sa mga programs mo at mga balita ng inyong Serbisyo. Okay din sa akin ang inyong News and Current Affairs."

At sabi naman ni Let Let Alunan ng Germany: "Kuya Ramon, walang dudang maraming nasiyahan sa inyong palabas noong September 6 at marami pang masisiyahan sa pagpapatuloy ng mga paligsahan ng mga atletang may physical handicap. Sana maraming manood sa bawat sport event para maramdaman ng mga manlalaro ang concern ng iba sa kanila at nang lalo nilang mapabuti ang kanilang paglalaro. Susundan ko ang Games hanggang closing."

Maraming salamat sa inyo, Manuela, Kris at Let Let at ganoon din sa inyong lahat sa inyong walang-sawang pakikinig.

Itong muli si Ramon Jr., na nagpapaalam at nagpapa-alalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.