• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-15 17:20:17    
Maligayang paglipas ng Mid-Autumn Festival

CRI
Kahapon ay Mid-Autumn Festival, ikalawang pinakamahalagang tradisyonal na kapistahan ng Tsina. Nagpalipas ng okasyong ito, kasama ng mga mamamayang Tsino, ang mga manlalarong galing sa iba't ibang bansa at rehiyon na kalahok sa Beijing Paralympic Games.

Sa katotohanan, ang atmospera ng Mid-Autumn Festival ay nararanasan nitong nakalipas na ilang araw na bago ang kapistahang ito. Sa pangunahing restawran sa Beijing Paralympic Village, ipinagkakaloob sa mga manlalaro ang moon cake, isang espesyal na meryenda para sa Mid-Autumn Festival. Inilagay din sa bawat mesa ang mga buklet na nagsasalaysay hinggil sa Mid-Autumn Festival sa mga wikang Tsino, Ingles at Pranses.

Noong gabi ng Mid-Autumn Festival, si Werner Muller, 54 na taong gulang na manlalaro ng pamamarili na galing sa Austria, ay kasama ang mga kaibigang Tsino sa Olympic Green. Sinabi ni Muller na,

"Gusto kong ipagdiwang ang araw na ito, kasama ng mga mamamayang Tsino. Masayang masaya ako sa bawat araw dito sa Beijing. Alam kong ngayong araw ay espesyal, kaya umaasa akong sasama sa mga Tsino."

Ang araw ng Mid-Autumn Festival ay ika-8 araw ng Beijing Paralympics. Sa paligsahan ng men's shot put F35/36 na idinaos kahapon ng umaga, nakakuha ng medalyang ginto si Guo Wei, manlalarong Tsino. Sinabi ni Guo na ang pagtamo ng medalyang ginto sa araw na ito ay nagdagdag ng katuturan para sa kanya. Sinabi ni Guo na,

"Natamo ko ang medalyang ginto sa aytem na ito noong 2004 Athens Paralympics at gustong gusto kong panatilihin ang kampeon dito sa Beijing. Kaya, ang resultang ito ay mahalagang mahalaga para sa akin. Sasabihin ko sa aking kapamilya at mga kaibigan na 'Maligayang Mid-Autumn Festival!'."

Kaugnay ng mga pagsasaayos para sa Mid-Autumn Festival, sinabi ni Deng Yaping, tagapagsalita ng Paralympic Village, na naglalayon itong magbigay ng isang espesyal na karanasan sa mga manlalaro. Anya,

"Para sa mga Tsino, mahalagang mahalaga ang Mid-Autumn Festival, dahil ito ay isang okasyon para sa family reunion. Bagama't malayo ang mga manlalaro mula sa kani-kanilang tinubuang-bayan, umaasa pa rin kaming mararamdaman nilang kasama ng pamilya sa Beijing."