Sa Baotou ng rehiyong awtonomo ng Inner Mongolia sa dakong hilaga ng Tsina, may isang kilalang bulag na mangangalakal na si Shen Fucai. Lagi siya handang tulungan ang iba. Nitong 6 na taong nakalipas, tinutulungan niya ang maraming may kapansanan, mahihirap at mga bata na huminto ng pag-aaral.
57 taong gulang na si Shen at kahit nagkakahalaga ng mga milyong yuan RMB ang kaniyang bahay-kalakal, maliit ang pabahay niya at lagi siyang nakakatanggap doon ng mga kaibigang may kapansanan. Sinabi ng kanyang asawa na si Jia Shuzhen na
"Puno si Shen ng aming pamiliya. Mayaman siya, gayunman ay matipid siya sa pamumuhay. Kahit sino aabuluyan niya, ganap na kakatigan namin siya."
Noong 1982, pumunta siya sa Baotou para maghanap-buhay. Datapuwa't naging bulag siya noong 1987 sa isang insidente. Pagkaraan nito, nagsimulang magnegosyo sila ng kaniyang pamilya at dahil nabulag siya, nakatagpo siya ng maraming kahirapan sa kanyang negosyo. Kaya iniisip niya noong panahong iyon na dapat buong sikap na magpunyagi para pabutihin ang kaniyang negosyo at tulungan ang mga may kapansanan.
Noong 1997, nagbenta si Shen ng kanyang tanging pabahay para itatag ang isang bahay-kalakal. Sa panahon iyo'y mahirap ang kanyang bahay-kalakal dahil kulang siya sa may kinalamang karanasan. Datapuwa't sa ilalim ng pagtulong ng Disabled Person's Federation ng Baotou, napagtagumpayan niya ang mga kahirapan at sa ilalim ng pagsisikap ng lahat ng mga staff ng bahay-kalakal, ang kanyang negosyo ay may malaking pag-unlad. Nang sariwain ang kanyang karanasan noong panahong ito, sinabi ni Shen na
"Salamat sa patakarang preperesyal ng pamahalaan at pagtulong ng disabled person's federation, may natamong malaking pag-unlad ang aking bahay-kalakal. Kaya nang yumaman ako, dapat balikan ang lipunan ng pabor at tulungan ang mga may kapansanan sa paligid ko."
|