Pagkaraang yumaman si Shen, sinimulang tupdin niya ang mithiin ng pagbibigay-tulong sa mga may kapansanan. Halimbawa, noong 2002, tinulungan niya si Luo Zhiqiang, dating kampeon sa weightlifting ng Paralimpiko para magpatakbo ng isang sentro ng pagsasanay sa mga bulag sa masahe. Si Wang Zhongmei, may kapansanan na galing sa ibang lugar ng bansa. Noong nakaraang ilang taon, pumunta siya sa Baotou para maghanap-buhay at tumanggap ng tulong ni Shen. Nang mabanggit ang kalagayan noong panahong iyon, nananatiling makaantig si Wang.
"Binigyan ni Shen ako ng 2000 yuan RMB at tinulungan akong binuksan ang isang tindahan. Malaki ang pagbibigay-tulong niya sa akin. Bulag man siya, nagpapatakbo siya ng gayong malaking negosyo, ikinagugulat ko."
Noong 2007, Si Shen ang nagbayad sa lahat ng gastos ng mga may kapansanan ng Baotou para sa physical examination at tinulungang isailalim sila sa sistema ng social security at mula noon, siya ang bahala sa ganitong gugulin bawat taon. Bukod dito, binibigyan din niya ng pera ang mahigit 120 mahihirap na estudyante sa Baotou para sa pagtatapos ng kanilang kurso sa paaralan. Mula 2002 hanggang kasalukuyan, ang kabuuang halaga ng pondo sa pagbibigay-tulong niya sa mga may kapansanan at mahihirap ay umabot sa halos isang milyong yuan RMB.
Noong 2007, tumanggap si Shen ng gantimpala bilang huwaran sa usapin ng commonwealth ng Tsina. Kaugnay ng karangalang ito, sinabi niya na ang bagay na ikinasisiya niya'y ang mga may kapansanan na tinulungan minsan niya at naging mayaman ngayon ay nakapagbibigay-tulong, sa abot na makakaya nila, sa ibang mga tao. Ito ay pinakamalaking ganting-palad sa kanya.
Batay sa patakaran ng bansa, hindi kailangang ipagbayad ng buwis ang bahay-kalakal ni Shen. Datapuwa't bumayad tuwing taon sa bansa si Shen ng mahigit 600 libong yuan RMB na buwis. Hanggang sa kasalukuyan, may 50 kawani ang bahay-kalakal na ito na kinabibilangan ng 32 may kapansanan. Kaugnay ng unti-unting pag-unlad ng kaniyang bahay-kalakal, nabanggit ni Shen ang isang planong pangkawanggawa. Sinabi niya na
"Gusto kong itayo ang isang ampunan ng matatanda para sa aming mga may kapansanan nang mabuhay pa ako at ipinangako ko sa naturang 32 may kapansanan na makakakuha sila ng kanilang pensiyon habang-buhay."
|