• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-16 18:11:27    
Mga bansa ng ASEAN, lubos na nagpahalaga sa Beijing Paralympics

CRI

Ipipinid bukas ang Beijing Paralympics. Bilang mga kapitbansa ng Tsina, nagpadala ang iba't ibang bansa ng ASEAN ng delegasyong pampalakasan sa kasalukuyang Paralimpiko. Nang kapanayamin ng mga mamamahayag ng China Radio International o CRI ang mga puno ng delegasyong pampalakasan ng naturang mga bansa, lubos na pinapurihan nila ang iba't ibang gawaing pang-organisasyon ng Beijing Paralimpiko, mga pasilidad na pampalakasan, kumunikasyon, supporting services at iba pa.

Nang kapanayamin siya ng mga mamamahayag ng CRI, lubos na nagpahalaga si Vu The Phiet, puno ng delegasyon ng Vietnam, sa iba't ibang gawaing pang-organisasyon ng Beijing Paralympics, at sinabi niyang naging siyentipiko at propesyonal ang gawaing ito. Sinabi niyang sa palagay niya, mahusay ang iba't ibang gawaing pang-organisasyon ng Beijing Paralympics, lalo na sa larangan ng propesyonal na teknolohiya.

Nang mabanggit ang gawaing pang-organisasyon at pasilidad na pampalakasan ng Beijing Paralympics, ang paulit-ulit na ginamit niyang salita ni Kusnan Ismukanto, puno ng delegasyon ng Indonesia, ay "ganda". Sinabi niyang maganda, maganda, maganda! Ganap ang lahat ng preparasyon ng lupong tagapag-organisa ng Beijing. Maganda, maganda, maganda! Mabuti at malinis ang mga pasilidad. Nakabisita ako sa swimming pool, weightlifting hall at tennis court, napakahusay.

Si Yi Veasna, ay pangkalahatang kalihim ng lupong paralimpiko ng Kambodya at puno ng delegasyong pampalakasan ng bansang ito sa Beijing Paralympics. Kauna-unahang pagkakataong siyang pumunta sa Tsina. Bukod sa pagdadalo sa Beijing Paralympics, may isa pa siyang hangarin na umakyat sa Great Wall na sakay ng wheelchair. Naisakatuparan, dito sa Beijing, ang kanyang pangarap. Sinabi niyang kauna-unahang pagkakataon na siyang bumisita sa Tsina at naisakatuparan niya ang hangaring umakyat sa Great Wall. Napakakumpleto ng iba't ibang barrier-free facilities sa Great Wall, at nang sa gayo'y makapag-akyat ang mga may kapansanan sa Great Wall. Tinulungan siya ng mga pasilidad na walang sagabal na naisakatuparan ang pangarap niya.

Nasiyahan ang mga atleta ng delegasyon ng Malaysia sa living facilities sa Paralympics Village. Sinabi nilang malinis ang toilet sa kanilang silid at maginhawa ito. Bukod dito, nakita ang mga pasilidad na walang sagabal sa iba't ibang tsanel at labasan at nang sa gayo'y maginhawang maglakbay para sa mga may kapansanan na sakay ng wheelchair. Sinabi ni Ng Keng Chuan, puno ng delegasyon ng Malaysia na pinakamaunlad sa buong daigdig ang mga pasilidad sa Beijing Paralympics Village. Binigyan na ng Tsina ang mga may kapansanan ng iba't ibang kailangang pasilidad. Pinasalamatan nila ang kumpletong paghahanda ng lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Committee.

Ipinalalagay ng puno ng delegasyon ng Myenmar na nagsisikap nang mabisa at mahabang panahon ang Beijing para sa pagdaraos ng kasalukuyang Olimpiyada at Paralimpiyada. Ang mga arkitekturang pang-Olimpiyada, na kinabibilangan ng Bird's Nest, Water Cube at Olympics Village ay hindi lamang naggarantiya sa pagtagumpay ng dalawang Olimpiyada, kundi pinaganda ang lunsod ng Beijing.

Ipinalalagay ng mga puno ng iba't ibang delegasyon ng ASEAN na kapuwa matagumpay ang Olimpiyada at Paralimpiyada ng Beijing. Nakikita ng daigdig ang isang walang tigil na umuunlad na Tsina.