Binabati ko ang Beijing Olympic Organizing Committee dahil medyo mabilis nitong nagawang pang-Paralympics ang mga facilities na pang-Olympics. Nagawa ng committee ang conversion sa loob lamang ng 2 linggo. Ngayon, handa na ang Beijing para sa pagdaraos ng Paralympics at handa na rin ang mga spectators sa lahat ng sulok ng daigdig para ma-enjoy ang performances ng mga paborito nilang Paralympians. Sana, tulad din ng Olympics, maidaos ang Paralympics without too much glitches.
Leslie Ducut Davao City Philippines
Binabati ko ang lahat ng Paralympians from all over the world. Narito na ang magandang pagkakataon para maipakita ninyo sa lahat ang inyong galing. Malaki ang role ninyo sa Beijing Paralympics para maghatid ng karangalan sa inyo-inyong bansa. More power and good luck sa inyo!
Sarah Samudio AMA Computer College
Na-enjoy ko ang Olympics dahil pinanood ko without commercial sa Clark Field. Umaasa ako na ma-enjoy din ang mga paligsahan sa pagsisimula ng Paralympics. May mga inaabangan akong players sa wheel chair basketball at sa volleyball. Kahanga-hanga sila dahil parang wala silang kakulangang pisikal pag nasa playing fields. Altogether, let's cheer them!
Gladys Corpus West Coast Way Singapore
|