Sa delegasyong pampalakasan ng Biyetnam na lumalahok sa Beijing Paralympic Games, may isang kilalang tauhan sa loob ng bansang ito, siya ay Vu The Phiet, puno ng delegasyong ito at unang tao na buong sikap na napapaunlad ang kilusan ng mga may kapansanan ng Biyetnam.
Upang mas maging sanay ang mga manlalaro ng Biyetnam sa kapaligirang pampagligsahan ng Paralimpiko, dumating ang delegasyon ng Biyetnam ng Beijing noong katapusan ng nagdaang buwan, at pagkatapos nito, hindi bumisita si Vu sa mga matulaing purok ng Beijing, kahit sa kalyeng komersiyal na pinakagigiliwan ng mga manlalaro na malapit sa Paralympic Village. Bilang puno ng delegasyong ito, abalang-abala siya tuwing araw sa mga suliranin ng delegasyon, 3 beses na pinamunuan niya ang delegasyon para lumahok sa Paralimpiko at gayon rin siya bawat beses at sa nakaraang mahigit 20 taon, palagiang abalang-abala siya para sa usaping pampalakasan ng mga may kapansanan.
Sa Biyetnam, ang populasyon ng mga may kapansanan ay katumbas ng halos 4% ng kabuuang populasyon nito. Noong una nang mapaunlad ang kilusan ng mga may kapansanan, nakatagpo si Vu ng mga kahirapan na gaya ng kulang sa mga pasilidad na pampalakasan. Datapuwa't ang pinakamahihirap para sa kanya'y hindi nauunawaan ng mga tao kung bakit dapat paunlarin ang kilusang ito. Sinabi niya na,
"Noong una, may mga taong nagtanong sa akin kung bakit magpapraktis ng palikasan ang mga may kapansanan, pinatutunayan ko sa kanila na ito'y hindi lamang nakakabuti sa pagpapalusog ng mga may kapansanan, kundi nakakatulong sa pagsangkot nila sa lipunan at pagkaraa'y unti-unting sinang-ayunan ng mga tao ang aking ideya. Iginagagalak ng mga may kapansanan ang pagsasanay ng palakasan."
Sa sumunod na panahon, walang humpay na nag-aaral si Vu ng mga karanansan ng ibang bansa. Kasunod ng pagpapahalaga at malaking paglaan ng mga pamahalaan ng Biyetnam sa iba't ibang antas sa usapin ng may kapansanan, nagsimulang lumitaw ang mga manlalarong may kapansanan nito sa palarong pandaigdig ng mga may kapansanan. Sinabi niya na,
"Sa Biyetnam, ako'y unang taong binigyan ng tungkulan ng bansa para sa pagpapaunlad ng kilusang ito at sa pamamagitan ng mahigit 20 taong pagsisikap, may 46 na lalawigan at lunsod ang lumahok sa usaping ito sa kasalukuyan. Sumangkot ang mga manlalarong may kapansanan sa ilang pandaigdig na paligsahan at natamo ang ilang resulta. Unti-unting nalalaman ng daigdig ang usaping ito ng Biyetnam."
Sinabi ni Vu na sa kasalukuyan, ang pinakamahalaga'y pagpapaunlad at pagpapalaganap ng klab na pampalakasan ng mga may kapansanan para sumangkot ang mas maraming may kapansanan sa ehersisyo, likhain ang kondisyon para gumaling sila. Ang put people first ay tunay na katuturan ng kilusan ng mga may kapansanan.
Dahil sa kanyang mahigit 20 taong pakikisangkot sa kilusang ito, may espesyal na damdamin si Vu sa mga may kapansanan. Ang kanyang pamumuhay ay iniuugnay sa usaping ito. Sinabi niya na ang katalagang-loob at katiyagaang ipinakikita ng mga may kapansanan sa pamumuhay ay karapat-tapat tularan ng bawat tao. Ang pinakamasayang bagay para sa kanya'y makakitang masayang pamumuhay ng mga may kapansanan.
"Kung minsan, nangulo ako sa kasal ng manlalarong may kapansanan at ang mga katulad na ganitong bagay ay talagang ikinasisiya ko."
Dahil may mahigpit na pagtutulungan ang Tsina at Biyetnam sa larangan ng palakasan, laging bumisita si Vu sa Tsina at sinabi niya na pahihigpitin ng kanyang bansa ang pakikipagtulungan sa Tsina sa larangan ng kilusan ng palakasan ng mga may kapansanan at unti-unting lulutasin ang mga kahirapan na kinakaharap ng usaping ito ng kaniyang bansa. Sinabi niya na hinding hindi itatakwil niya ang kanyang pinakaminamahal na usaping ito habang buhay.
|