Ang Olympic Games na idinaraos bawat 4 na taon ay nakakatawag ng pansin ng ilang bilyong manonood sa buong daigdig. Kaya, ang karapatan ng pagsupport ng Olympic Games ay pinag-aagawan ng iba't ibang malaking bahay-kalakal at ang ganitong penomina ay mas maliwanag na ipinakita sa Beijing Olympic Games. Sinabi ni Zhu Xiaoming, pangulo ng Tido Sport na nagsasagawa ng pananaliksik sa sport marketing sa mahabang panahon na :
"Ang Olympic Games na ito ay may pinakamaraming kalahok na bansa sa kasaysayan, at ang support sa Olympic Games ay isang pagpapakita ng kabuuang puwersa ng bahay-kalakal."
Pero, ang gugol ng mga pandaidig na partner ng Olympic Games ay umabot sa ilampung milyong dolyares. Magiging karapat-dapat ba ang paglaan ng gayong kalaking halaga para sa pagsuporta sa Olympiyada? Nagdududa ang mga tao. Sa katunayan, bilang isang bahay-kalakal na may mahigit 20-taong kaaysayan mula sa unang araw ng pagpapatakbo ng negosyo nito, puspusang pinagsisikapan ng Lenovo para maabot ang kasukdulan ng industrya ng IT. Noong 2005, bumili ang Lenovo ng negosyo ng personal computer ng IBM sa presyo ng 1.25 bilyong dolyares. Pagkaraan nito, ang bahagi nito sa pandaigdig na pamilihan ng PC ay pumangatlo lamang sa Dell at HP. At ang pagsuporta sa Beijing Olympic Game ay walang duda, magbibigay ng makapangyarihing lakas-pantulak nito sa landas tungo sa pagiging internasyonal.
Ipininid na ang Beijing Olympic Games ng 2008. Bilang isang supporter sa pinakamataas na antas, natamo ang masaganang bunga ng Lenovo, pinakamalaking bahay-kalakal ng computer sa Tsina. Sa kasalukuyan, pumasok sa top 500 bahay-kalakal na ipinalabas sa taong ito ng "Fortune" sa E.U. ang Lenovo na may 16.8 bilyong dolyares na kita. Pero, noong 4 na taong nakararaan, ang taunang kita ng Lenovo ay 3 bilyong dolyares lamang.
salin:wle
|