Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Olympic Songs.
Sabi ng mga manlalarong lumahok sa katatapos na Paralympics, ang China raw ang pinakamaalwang lugar para sa kanila at sa mga may-kapansanan sa kalahatan.
Sa palagay ko, nasabi nila ito dahil naranasan nila ang ginhawang dulot ng mga pasilidad na walang sagabal o iyong non-barrier facilities na sadyang ipinagawa ng Beijing para sa kanila. Hindi raw nila makakalimutan ang kanilang Beijing experience.
Welcome back, guys! Welcome back!
Iyan, narinig ninyo ang awiting "Mahirap Magpaalam," bye-bye song ng Beijing Olympics at Paralympics. Inihatid iyan sa ating masayang pakikinig nina Jacky Chan, Andy Lau, Emil Chau at Liu Huan.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Olympic Songs ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng ilang textmates hinggil sa katatapos na Paralympics.
Sabi ng 919 257 8451: "Congratulations sa Beijing at sa lahat ng Paralympians na naglaro sa Beijing! Lahat kayo ay panalo at lahat ay mga tsampiyon!
Sabi naman ng 0062 813 8846 8990: "Magaling na paghahanda! Mahusay na palabas! Magandang tagisan! Ariba, Beijing!
Salamat sa inyong mga mensahe. May kasunod pa ang mga iyan mamaya.
Iyan naman ang theme song ng Beijing Paralympics--"Fly with the Dream" sa pag-awit nina Han Hong at Anday Lau.
Tingnan naman natin itong e-mail ni Tess Tombocon ng Sta. Mesa, Manila. Sabi: "Thank you, Beijing, sa malasakit mo sa mga disabled athletes. Hindi matatawaran ang mga serbisyong ipinagkaloob mo sa kanila during Paralympic Games. Lahat ng lugar ng palaro ay convenient na convenient sa kanila at lahat ng lugar na dapat puntahan ay accessible sa kanila. Sure na sure ako na marami silang sweet memories na madadala hanggang sa susunod na Paralympics."
Salamat sa e-mail, Tess.
Iyan naman ang "Ikaw at Ako," theme song ng Beijing Olympics, sa pag-awit nina Liu Huan at Sarah Brightman.
Bigyang-daan natin ang text message ng isang humahanga sa Beijing dahil sa aniya'y mahusay na pag-o-organize ng host city ng Paralympics--siyempre, kasama na rin ang Olympics.
Sabi ng 917 960 6218: "Hindi lang kami ang napabilib ng Beijing. Maski mga namumuno sa iba't ibang bansa at overseas media groups ay napabilib din nito. Congratulations sa Beijing!"
Thanks sa SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Olympic Songs. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|