Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2008.
Ang naririnig ninyo sa background ay bye-bye song ng Olympics at Paralympics. Ang mensahe ng awit ay napakabigat sa loob na magpaalam sa mga kaibigan. Talaga naman. Napakahirap talagang magpaalam sa mga kaibigan na nakasama mo sa isang aktibidad sa loob ng ilang araw. Pero wala tayong magagawa. Sabi nga "kung may simula, may katapusan." Ganyan talaga... Ganyan talaga.
Ang 2008 Beijing Paralympics ay ipininid noong ika-17 ng buwang ito at marami ang nagpahayag ng kasiyahan sa naturang palaro. Natitiyak ko na gusto ng mga atletang lumahok dito na ma-extend ang kompetisyon. Bakit? Kasi gusto pa nilang ma-enjoy ang hospitality ng mga Tsino at iyong amenities ng non-barriers na handog sa kanila ng Beijing. Sila rin ang may sabi na ang China ang pinakamaalwang lugar para sa mga may-kapansanan.
Ngayon, ano naman kaya ang gustong sabihin ng mga tagapakinig hinggil sa mga bagay na ito at hinggil sa kasiya-siyang pagtatapos ng Paralympics?
Ang susunod na Olympics at Paralympics ay sa London, England gagawin at marami ang may opinion na baka hindi matapatan ng London ang ginawang paghahanda ng Beijing. Ganito rin ang opinion ni Minda Gertos ng Cebu City. Sabi niya:
"Hapi ako sa idinaos na Paralympic Games sa Beijing. Siguro matatagalan pa bago magaya ng ibang bansa ang ganitong paraan ng pagdaraos ng Paralympics.Hindi biro ang ginawang paghahanda ng Beijing at marami ang humanga dito. Sayang at wala ako sa China nang gawin ang sport events."
Ginawa ng Beijing ang lahat para maibigay sa lahat ng Paralympians ang ginhawang kailangan nila sa panahon ng pananatili nila sa lunsod. Naramdaman nila ang ginhawang ito pati na rin ang VIP treatment ng host city. Hinggil dito, sinabi ni Juliet Obias ng Sta. Ana, Manila na:
"Siguradong nagkatimo sa mga Paralympians ang VIP treatment na ipinagkaloob sa kanila ng Beijing pati iyong tinatawag na world-class service. Lahat sila ay uuwi na may dalang panibagong self-confidence na madadala naman nila sa susunod nilang pagsabak sa international athletic competitions."
Sinabi naman ni Virginia Badigue ng San Andres na pananabikan niya ang mga susunod pang athletic competitions sa Beijing.
"Isang bagay lang ang masasabi ko: 'Walang kasing-ganda ang Beijing Paralumpics at hindi ko na mahintay ang mga susunod pang ganitong Athletic competitions sa Beijing.'"
Si Virginia ay isa lamang sa maraming indibiduwal na humanga sa Beijing dahil sa mahusay na pag-o-organize nito ng Paralympic Games. Maraming salamat sa iyo, Virginia, at ganoon din sa inyo, Minda at Juliet.
Tingnan naman natin kung ano ang mga mensahe ng ating textmates.
Sabi ng 921 378 1478: "Marami ang grateful sa Beijing at sa 2008 Paralympics. Magagamit ng mga disabled athletes sa kanilang practice-training ang mga facilities na ipinagawa ng Beijing para sa Paralympics. Malaking tulong ang mga ito sa kanila."
Sabi naman ng 917 401 3194: "Hindi rin dapat makalimutan ng mga tao ang Serbisyo Filipino dahil sa pagbibigay-daan nito sa mga balitang Paralimpik. Malaki rin ang contribution ng serbisyong ito sa Paralympics."
Sabi naman ng 919 302 3333: "Sa just concluded na Olympics at Paralympics, walang panalo at walang talo. Lahat ay no. 1. Lahat ay mga kampeon. Talagang ang pagsali sa laro ang pinakamahalaga sa lahat!"
Sabi naman ng 0062 813 8846 8990: "Magaling na paghahanda! Mahusay na palabas! Magandang tagisan! Ariba, Beijing!"
At sabi naman ng 917 960 6218: "Hindi lang kami ang napabilib ng Beijing. Maski namumuno sa iba't ibang bansa at overseas media groups napabilib din nito. Congratulations sa Beijing!"
Dumako naman tayo sa mga mensahe ng ating letter-senders.
Sabi ni Tess Tombocon ng Sta. Mesa, Manila: "Thank you, Beijing, sa malasakit mo sa mga disabled athletes. Hindi matatawaran ang mga serbisyong ipinagkaloob mo sa kanila during Paralympic Games. Lahat ng lugar ng palaro ay convenient na convenient sa kanila at lahat ng lugar na dapat puntahan ay accessible sa kanila. Sure na sure ako na marami silang sweet memories na madadala hanggang sa susunod na Paralympics."
Sabi naman ni Claire Santos ng Pulong Bulo, Angeles City: "Hindi ako nakarating sa Beijing para manood ng Olympics at Paralympics pero sinundan ko naman ang pang-araw-araw na development at marami akong cut-outs ng mga litrato na kuha during the Games. Marami rin akong nakolektang sports magazines na may mga writeups at pictures hinggil sa dalawang Games. The Games will remain in my mind and in my heart forever."
At sabi naman ni Lagrimas Ramos ng New Territories, Hong Kong: "Ang mga cultural presentations ng China na tinampukan ng disabled artists ay proof na binibigyan ng China ng pagkakataon ang mga may physical handicap na ipamalas ang kanilang taglay na talent sa art. Ito ay reflection din ng magandang programs ng government para sa mga may-kapansanan. Nagbigay ang China ng magandang example sa daigdig. Let's follow China's example!"
Maraming salamat sa inyo, Tess, Claire at Lagrimas at ganoon din sa inyong lahat sa inyong walang-sawang pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|