Kinatagpo noong Martes sa Maynila si Song Tao, embahador ng Tsina sa Pilipinas, ni Ralph G. Recto, direktor-heneral ng National Economic and Development Authority o NEDA ng Pilipinas at nagpalitan sila ng palagay hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan at pagkalakalan ng dalawang bansa. Ipinahayag ni Song na bilang matalik na kapitbansa ng Pilipinas, laging nakahanda ang Tsina na magkaloob ng tulong sa pagpapaunlad ng Pilipinas ng lipunan at kabuhayan at pasulungin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa. Anya pa, ang pagpapanatili ng matatag at malusog na pag-unlad ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas ay angkop sa komong kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Ipinahayag naman ni Recto ang pagsang-ayon sa palagay at mungkahi ni Song at nakahanda anya siyang pasulungin ang koordinasyon at kooperasyon ng dalawang bansa para mapasulong ang kanilang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Napag-alaman noong isang linggo ng mamamahayag mula sa Kawanihan sa Suliranin ng Pandaigdigang Ekspo ng Guangxi na hanggang ngayon, umabot sa 1222 ang bilang ng mga exhibition booth ng mga bansang ASEAN sa ika-5 China ASEAN Expo o CAEXPO. Ang naturang ekspo ay idaraos mula ika-22 hanggang ika-25 ng susunod na buwan sa Nanning, punong lunsod ng Guangxi. Sa ekspong ito, magkakaroon ang 6 na bansang ASEAN ng kani-kanilang eksklusibong exhibition pavillion at lalahok din sa ekspo ang mahigit 500 negosyante mula sa Pransya, Ireland, Rusya, Hapon at iba pang bansa.
Napag-alaman noong isang linggo ng mamamahayag mula sa adwana ng lunsod ng Nanning ng rehiyong awtonomo ng Guangxi ng Tsina, mula noong Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon, sa kauna-unahang pagkakataon, lumampas sa 2 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan ng Guangxi at ASEAN. Napag-alamang nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang pagtutulungan ng kalakalan at pamumuhunan ng Tsina at ASEAN, at maalwang pinasusulong ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, at walang humpay na lumalalim ang kanilang rehiyonal na pagtutulungan. Noong unang hati ng taong ito, umabot na sa 2.12 bilyong dolyares ang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Guangxi at Biyetnam, Malaysia, Singapore, Indonesia, Pilipinas at Brunei. Kabilang dito, ang halaga ng kalakalan ng Guangxi at Biyetnam ay katumbas ng 84% ng kabuuang halaga ng kalakalan ng Guangxi at ASEAN.
Sinabi noong Huwebes sa Beijing ni Jiang Yu, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula noong Biyernes, pinanumbalik ng Tsina ang pagpasok na ilibre ang bisa ng mga may pangkaraniwang pasaporte na citizen ng Singapore na magtrabaho, dumalaw o pag-stopover sa loob ng 15 araw.
Sinimulan noong Huwebes sa Kunming ng Lalawigang Yunnan ng Tsina ang training class na idinaos sa kauna-unahang pagkakataon, ng Tsina para sa mga mataas na opisyal ng Cambodia sa pakikibaka sa droga. Isinasagawa ng 15 mataas na opisyal ng Cambodia mula sa lupon ng pakikibaka sa droga, departamento ng pangkalahatang kawanihan ng pulis sa pakikibaka sa droga at mga kawanihan ng pulis ng siyam na lalawigan at lunsod ng Cambodia, ang 15 araw na pag-aaral sa Yunnan Police Officer Academy. Ang pangunahing nilalaman ng naturang pag-aaral ay kinabibilangan ng pag-alam ng kalagayang pang-estado ng Tsina, sistema ng suliraning pulis ng Tsina, gawain ng pakikibaka ng Yunnan sa droga, pandaigdigang pagtutulungan sa pakikibaka sa droga at iba pa.
Ipinadala noong Biyernes ng Ministri ng Edukasyon ng Thailand ang 125 guro sa Tsina para matanggap ang 1-taong pagsasanay para sa wikang Tsino. Lalahok ang naturang mga gurong Thai sa mga training classes sa 6 na pamantasan sa Beijing, Shanghai, Xiamen at iba pang lunsod ng Tsina.
|