Kagabi sa Beijing Poly Theater, naghandog ang mga alagad ng sining mula sa China Disabled People's Performing Art Troupe ng dalawang-oras na palabas na pinamagatang "Ang Pangarap Ko". Pagkaraan ng palabas, matagal na nakatayo ang mga manonood sa harap ng tanghalan at ayaw nilang umalis. Ang palakpakan at pagbubunyi ay gumugulong at dumagundong sa teatro.
Nakita sa mga manonood ang mga lider na Tsino na gaya nina Pangulong Hu Jintao at Premyer Wen Jiabao at hindi ito ang kanilang unang panood sa katangi-tanging pagtatanghal na handog ng mga alagad ng sining na may kapansanan ng Tsina. Kabilang din sa mga manonood sina Philip Craven, Puno ng International Paralympic Committee at Juan Antonio Samaranch, habambuhay na pangulong pandangal ng International Olympic Committee at gayundin ang mga dignitaryong panauhin mula sa iba't ibang bansa.
Sa simula ng palabas, ang binging dalagitang alagad ng sining ay nagpahiwatig ng hangarin ng mga may kapansanan sa pamamagitan ng sign language. Ganito ang lirikong ito. "Lipos na lipos ng pangarap ang buhay, lipos na lipos ng hangarin ang buhay; Hayaan tayong magtamasa magpakailanman ng bawat sinag ng araw. Hayaan tayong makaranas ng liwanag sa kadiliman, makaramdam ng ritmo ng musika sa mundong walang tunog at maghanap ng kasakdalan sa kapansanan."
Ang naririnig ninyo ay ang musika ng sayaw na pinamagatang "Ang Buddha na May Sanlibong Kamay" na handog ng 21 binging alagad ng sining. Sa kabihasnang silanganin, ang Buddha na may sanlibong kamay at sanlibong mata ay simbolo ng kagandahang-loob at pilantropiya.
Ang naririnig ninyo ngayon ay ang awiting handog ng dalawang bulag na alagad ng sining na sina Yang Haitao at Yang Haijun. Magkapatid sila at ang kanilang pagkanta ay naglikha ng climax ng palabas kagabi.
Ang naririnig ninyo naman ngayon ay ang Peking Opera na itinanghal ng mga alagad ng sining na may kapansanan. Kagabi, naghandog din sila ng Chinese version ng Romeo at Juliet at Latin Dance.
Sa saliw ng walang-kupas na awiting Ingles "Right Here Waiting", nagsasayaw ng Rumba ang mga binging mananayaw.
Kasabay ng awiting "Magkakapamilya Tayo", ipininid ang kahangang-hangang palabas ng mga may kapansanang alagad ng sining.
Ang mga manonood naman ay nagpapakita ng kanilang paggalang at pagpugay sa nasabing mga alagad ng sining sa pamamagitan ng kanilang matunog at walang-tigil na palakpakan.
|