Si Wang Zhi ay isang matanda sa bayang Jing ng lalawigang Anhui sa dakong gitna ng Tsina. Itinayo niya ang isang maawaing tahanan para sa mga bata na naiwan sa bahay ng kanilang mga magulang na nagtatrabaho sa lunsod.
75 taong gulang na si Wang. Noong 1994, retirado siya at bumalik sa kanyang lupang-tinubuan. Dahil mahusay siya sa karunungan ng batas, siya'y naging tagapayo sa batas ng kawanihan ng pulisiyang lokal para tulungan ang paghawak ng ilang isyung kriminal at pambatas ng mga kabataan. Noong panahong iyon, nakita niyang kasunod ng pagiging popular ng paghahanap-buhay ng mga magsasaka sa lunsod, dumarami nang dumarami ang mga naiwan sa kanayunan na mga bata. Dahil kulang sa pag-asikaso ng kanilang mga magulang, bumababa ang lebel ng pag-aaral at moralidad ng naturang mga bata. Sinabi ni Wang na
"Dahil walang kaalaman sa kaunlaran ng lipunan at progreso ng panahon, walang kaugnayan sa pagitan ng mga lola't lolo ng naturang mga bata. Ang mga paaralan ng mga bata ay namamahala lamang sa pag-aaral sa loob ng kampus at nang umuwi mula sa paaralan, naging malaya na silang lahat at walang umaasikaso sa kanila."
Ang kalagayang ito'y nananakit nang malaki sa puso ni Wang, Kaya ipinasiya niya na itatag ang isang tahanan para sa mga batang ito para bigyan sila ng pag-asikaso at pagturo sa pamumuhay at pag-aaral. Noong tag-init ng 1998, ini-organisa niya ang isang summer camp na nilahukan ng mahigit 10 bata para tipunin sila sa magkakasamang pag-aaral at paglalaro. Pagkatapos ng bakasyon sa tag-init, ang kanyang ginawa ay lumikha ng napakagandang resulta. Kaya sa taong itong sinundan, mahigit 100 bata ang lumahok sa kampo ni Wang.
Ang naturang 2 matagumpay na karanasan ay nakapagpasigla kay Wang. Noong tag-init ng 2001, sa ilalim ng puspusang pagtulong ng pamahalaang lokal at mga mag-anak niya, itinatag niya ang isang sentro ng pagbibigay-tulong sa mga naiwan sa kanayunan na mga bata.
Ang sentrong ito ay nagsasagawa ng saradong pangangasiwa at mahigpit na ahenda ng pag-aaral at pahinga. May 5 guro, 4 na tauhang lohistiko, isang akalatan at mga pasilidad ng pag-aaral at palakasan. Bukod dito, inioorganisa ng sentrong ito ang mga malusog at mabuting aktibidad para pataasin ang komprehensibong kalidad ng naturang mga bata.
Ang 16 na taong gulang na si Liu Dan ay matagal na nakatira sa sentrong ito at ang kanyang mga magulang ay nagkahanap-buhay sa ibang purok sa mahabang panahon. Sinabi ni Bai Xiaohong, ina ni Liu na
"Maligtas siyang nakatira dito na hindi lamang nakakatanggap siya ng mabuting pag-aalaga sa iba't ibang aspeto, kundi nakakatulong ang sentro sa kanyang pag-aaral. Kung makakatira siya sa aming bahay, malayo ang bahay sa paaralan at ikinababalisa namin. Kaya mas mabuti siyang nakatira dito."
Si Liu ay isang mag-aaral ng high school na ngayon. Nang mabanggit ang kanyang pag-aaral at pamumuhay noon sa sentrong ito, sinabi niyang ang karanasang ito ay isang magandang alaala para sa kanya.
"Sa katotohanan, mabuti ang aming pamumuhay doon. nagtutulungan ang aming mga bata sa pamumuhay at pag-aaral. Nagpapalitan kami ng mga nais naming ihayag. Maawain ang sentro at kaming lahat ay mukhang kasapi ng isang pamilya."
Kasabay nito, binigyan ni Wang ang mga batang ito ng ilang sikoterapiya para tulungan silang mapahupa ang kapanglawan. Sinabi niya na
"Sa palagay ko, unang-una'y dapat mag-turo sa kanilang kung papaanong huhubugin ang tamang pananaw sa pagkatao, ito'y pinakamahalaga at nangingibabaw sa pagtuturo ng karunungan.'
Hanggang sa kasalukuyan, may mahigit 700 batang naiwan sa kanayunan ang naglilingkod sa lipunan mula sentrong ito. Nang sariwain ang 7 taong karanasan ng sentrong ito, buong damdaming sinabi ni Wang na
"Gusto kong gumawa ng ilang bagay na nakakabuti sa lipunan at mga mamamayan. Ang pagtulong sa isang bata na itatag ang isang tamang pananaw sa pagkatao ay nagsisilbing tumulong sa kanya sa habang buhay."
|