• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-23 19:23:11    
Chen Qigang, Pangkalahatang Tagadisenyo ng musika ng Beijing Olympic Games

CRI

Sa seremonya ng pagbubukas ng 2008 Beijing Olympic Games, nang umawit sa Bird's Nest ang mga artista sina Liu Huan ng Tsina at Sarah Brightman ng Britanya ng "You and Me", Beijing Olympic Anthem, ang lahat ng mga manonood sa buong daigdig ay naakit sa malinis at magandang melodya nito. Ang Komposer nito ay si Chen Qigang, isang bantog na musikong Tsino.

Isinilang noong 1951 sa Shanghai ng Tsina si Chen Qigang at nagsimulang matuto ng musika noong 6 na taong gulang. Noong 1983, pumunta siya ng Pransya para sa kanyang master degree at naging pinakahuling estudyente ni Oliver Messiaen, isang bantog na musiko sa daigdig. Nitong nakalipas na ilang taon, natamo ni Chen ang maraming mahalagang gantimpalang gaya ng the 34th Summer Festival in Darmstadt, Germany, the Special Prize at the 27th International Contest of Symphony Composition Cita di Trieste, Italy at Nadia Boulanger Award, Villa Medicis Hors les Murs Award (famous Rome Prize in the past). Naglingkod din siya bilang judge ng mga contest at siya ring naman ang propesor na pandangal ng China Conservatory at Shanghai Conservatory of Music. Nang malaman niya na pinili siyang Pangkalahatang Tagadisenyo ng musika ng Beijing Olympic Games, ipinalalagay niyang isasabalikat ang mahalagang tungkulin.

"Ang Olympic Games ay aktibidad na pampalakasan at pangkuturang nakakatawag ng malaking pansin ng lahat ng mamamayan ng Tsina at daigdig. Ang pagiging Pangkalahatang Tagadisenyo ng musika nito ay mahalagang pagkakataon para sa akin. Nais kong magbigay ng ambag para rito. Kahit malaki ang hamon at presyur, gusto kong subukin."

Sinabi ni Chen na ang hinahangad ng buong seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games ay maghatid sa lahat ng diwa ng harmonya at diwang "Isang Mondo, Isang Pangarap". Dahil sa ganitong plano, ang mga sangkap ng mga musika sa seremonya ay halu-halo sa katangiang tradisyonal na Tsino at elementong musikal mula sa 5 kontinente.

Para sa 2 oras na musikang panalubong sa pagpasok ng mga manlalaro, inimbitahan ni Chen at ng kanyang grupo ang mga symphony ochestra at artista mula sa 5 kontinente para sa pagkatha at pagtatanghal.

"Binuo ng musikang ito ang mga musika mula sa 5 kontinente. Hindi katulad ng musikang panalubong dati, ito ay batay sa tradisyonal na kultura ng Tsina at ipinakita rin ang mga katangain ng 5 kontinente."

Sa mga musika sa seremonya ng pagbubukas, ang pinakanakakaakit ay ang theme song "You and Me". Hindi ito matunog, ang hinahangad nito ay ang kagandahan ng kapayapaan sa mahinhing paraan.

Sinabi ni Sarah Brighman, isang mang-aawit nito, na:

"Nagustuhan ko ang awit na ito dahil hindi katulad ng mga awit ng nangakaraang Olimpiyada, ang katangian nito ay simple, tulad ng isang children's song."

Kahit simple, binuo ito ng maraming elementong musikal. At sa gayo'y mayroon ito ng kay raming kariktan.

"Nang marinig ko ang musikang ito, lumuha ako. Sa tingin ko, ang awit na ito ay nagpapakita ng pagkakaisa ng buong sangkatauhan."

Sinabi ni Chen na bilang isang Pangkalahatang Tagadisenyo ng musika ng Beijing Olympic Games, marami siyang natamo. Nag-aral siya ng mayamang uri ng musika mula sa buong daigdig at inialay niya ang musikang Tsino sa buong daigdig sa pamamagitan ng Olimpiyada.