Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Olympic Songs.
Ngayong gabi, bibigyang-daan natin ang ilan pang SMS at e-mail ng mga tagapakinig hinggil sa katatapos na Paralympics. Salamat sa inyong support sa Beijing Paralympics at Paralympic Movement. Malayo ang mararating ng inyong moral support. Thank you, thank you, thank you.
Iyan ang sariling version ni Wong Lee Hom ng awiting "Isang Mundo, Isang Pangarap."
Sabi nila, na-realize daw ang pangarap nating lahat bilang isang malaking family of mankind sa matagumpay na pagdaraos ng Olympics at Paralympics.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Olympic Songs ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Unahin nating bigyang-daan itong e-mail ni Claire Santos ng Pulong Bulo, Angeles City, Pampanga. Sabi ni Claire: "Hindi ako nakarating sa Beijing para manood ng Olympics at Paralympics pero sinundan ko naman ang pang-araw-araw na development at marami akong cut-outs ng mga litrato na kuha during the Games. Marami rin akong nakolektang sports magazines na may mga write-ups and pictures hinggil sa dalawang Games. The Games will remain in my mind and in my heart forever.
Wang Feng at ang kaniyang awiting ang ating mga pangarap.
Tunghayan naman natin itong mga SMS.
Sabi ng 921 378 1478: "Marami ang grateful sa Beijing at sa 2008 Paralympics. Magagamit ng mga disabled athletes sa kanilang practice-training ang mga facilities na ipinagawa ng Beijing para sa Paralympics. Malaking tulong ito sa kanila."
Sabi naman ng 917 401 3194: "Hindi rin dapat makalimutan ng mga tao ang Serbisyo Filipino sa pagbibigay-daan nito sa mga balitang Paralimpik. Malaki rin ang contribution ng serbisyong ito sa Paralimpiks."
"Lahat ay Number One," sa pag-awit ni Andy Lau.
Speaking of number one, sabi ng 919 302 3333: "Sa just- concluded na Olympics at Paralympics, walang panalo at walang talo. Lahat ay number one. Lahat ay mga kampeon. Talagang ang pagsali sa laro ang pinakamahalaga sa lahat!"
Thank you sa SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw ng ito ng Gabi ng Olympic Songs. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|