Sa panahon ng Beijng Olympic at Paralympic Games, nangangailangan si Vu Thi Bich Ngoc ng mahigit na isang oras bawat araw para dumating sa spectator calling center ng Beijing Olympic at Paralympic Games, at dahil nakasuot ng kasuutan ng boluntaryo, tinatanong siya ng mga tao sa daan, at palagiang ngumingiti at sumasagot siya sa kanilang tanong. Pero, hindi nalaman ng nakararaming tao na ang boluntaryong ito na nagsasalita ng mahusay na wikang Tsino ay galing sa Biyetnam, siya rin ay tanging bolutaryong Biyetnames na naglilinkod para sa Beijing Olympic at Paralympic Games.
"Nang magtrabaho kami, hindi maari kami maghuntahan. May isang telepono sa harap ng bawat tao, maayos na sumagot kami sa telepono. At sa pagpapahinga, ang dami talaga ang gusto naming naghuntahan. Kaya may gayong sabi-sabi na ang mga boluntaryo sa spectator calling center ay pinakamasigla at pinakamalakas ang boses."
Siya si Vu Thi Bich Ngoc, isang postgraduates ng University ng Remin ng Tsina na galing sa Hanoi, punong lunsod ng Biyetnam. Sinabi ni Vu Thi Bich Ngoc na siya ay isang beteranong boluntaryo, kasi, naglingkod minsan siya sa Beijing Olympic Games at ngayon ay sa Beijing Paralympic Games. Pero, ang kanyang pagpapatala bilang boluntaryo ay nagmula sa isang simpleng ideya: tinuruan ng mga gurong Tsino siya ng maraming karunungan, dapat sila'y bigyan ng ganting-palad. Pero, nang matanggap niya ang kompirmadong liham, nag-atubili siya, dahil noong Hulyo ng taong ito, nagtapos na siya ng unibersidad, kung mananatili sa Beijing at magiging isang boluntaryo ng Olympic Games o sasamantalahin ang summer vacation para maghanap-buhay sa Biyetnam? Bagama't kuwalipikado na siya sa postgraduate study, hindi pa malaman niya kung matatamo ang scholarship.
"nag-atubili ako at hindi malaman kung ano ang dapat gawain. Pagkatapos, pagkaraan ng malalimang pag-iisip at enkorahe ng mga kaibigan, ipinalalagay kong mahalagang mahalaga ang pagkakataong ito, kaya, ipinasiya na samantalahin ang pagkakataong ito at sa gayo'y hindi magiging akong malungkot sa hinaharap.
Sa gayon, naging isang boluntaryo si Vu Thi Bich Ngoc sa spectator Calling Center ng Beijing Olympic Games. Pero, hindi katulad ng mga public volunteer na idinispley ang kanilang ngiti sa mga manonood, at hindi katulad ng mga game volunteer na maaari lapitan ang mga atleta, at makaramdam ng atomspera ng paligsahan, pero, nakaramdam si Vu Thi Bich Ngoc na kasinghalaga ng ibang trabaho ang kanyang trabaho, ihahatid niya ang ngiti sa mga manonood sa pamamagitan ng mikropono.
"Bagong simulan ang trabahong ito, ipinalalagay ng ilang taong nakayayamot ang gawaing ito na humarap sa telepono buong araw, pero, kung nadarama ko sa aking trabaho na hindi madali ang aming gawain kumpara sa iba pang boluntaryo, kinakaharap namin ang maraming biglang pangyayari. Kahit, hindi makikita ng mga manonood ang maing espresyon, sa pamamagitan ng aming boese, madarama nila ng aming pakitunguhan, kasi, kinakatawan rin ang aming boses ng Beijing Olympic at Paralympic Games, kasinghalaga."
Sinabi ni Vu Thi Bich Ngoc na nakaramdam siya ng responsbilidad bilang boluntaryo. Nang lumakad sa kalye, palagiang pinagmasdan niyang kung may tao na nangangailangan ng tulong. At nagpahayag naman ang mga estranghero ng kanilang malasakit sa kanya, nagdulot ito sa kanya ng kasinhawahan at nagpatatag ng determinasyon niyang ibayo pang pabutihin ang kanyang trabaho bilang namecard ng Beijing.
"Nitong ilang araw na nakalipas, para salubungin ang Mid-Autumn Festival, maagang inihandog ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games ang hapunan para sa mga boluntaryong dayuhan at mga boluntaryo mula sa HongKong, Macao at Taiwan. Sa hapunan, nakaramdam ako ng pagkakaibigan, pagkamainit-init ng damdamin sa pagitan ng mga boluntaryo. Kahit anung bansa o rehiyon na galing, meron kami ng isang komong pangalan-ngumingiting boluntaryo, pinakamagandang kard ng Beijing.
|