• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-30 16:03:22    
Masayang pamumuhay ng mga batang taga-Sichuan sa Hebei

CRI

Ang unang araw ng Setyembre ay unang araw ng pagpasok sa paaralan ng mga bata. Ngunit, dahil sa napakalakas na lindol sa Wenchuan ng Sichuan noong ika-12 ng Mayo, nawalan ang maraming bata roon ng kanilang paaralan. Sa gawaing panaklolo sa lindol sa Sichuan, Si Song Zhiyong, isang magsasaka ng Hebei, ay isa sa mga boluntaryo. Nang makita niyang maraming bata ang nawalan ng kanilang paaralan, inisip niyang ipadala ang mga bata sa kanyang lupang tinubuang Hebei. Pagkatapos ng pagsasanggunian nila ng mga may kinalamang tauhan sa Yinhe School ng bayang Yutian ng Hebei, kinatig ng Yinhe School ang intensyon ni Song at ipinangko pa na kanselahin ang lahat ng matrikula at dormitoryo ng mga batang ito. At ang kanilang ekspensyong pang-araw-araw ay isasabalikat ng pamahalaan ng lunsod Tangshan at bayang Yutian. Kaya, noong ika-16 ng Hunyo, dumating ng Yinhe School ang 246 na batang taga-Sichuan at nagsimula ng kanilang makukulay at masayang pamumuhay sa Hebei.

Sa Yinhe School, bukod sa mga puntamental na kurso ng Chinese, Math, English, Music, marami pa ang ibang klase para sa mga mag-aaral. Isinalaysay ni mag-aaral Li Jun, sa Grade 4, na:

"Marami kaming klase at marami rin ang panahon para sa paglalaro. Natuto ako ng typing, painting, math at iba pang kaalaman."

Para maghanda ng mas mayamang klase para sa mga bata, ginawa ng mga guro roon ang lahat ng kanilang makakaya. Sinabi ni Li Cuiling, puno ng departemento ng elementary ng Yinhe School na:

"Matalino at masigla sila. Kaya nagpaplano kami ng mga aktibidad na pampalakasan, klase ng musika, komputer, handcraft at paper-cut. Nag-oorganisa kami ng Chinese and English Speech Contest. Nag-aaregla kami ng mga aktibidad alinsunod sa kanilang katangian."

Bukod sa pag-aaral, ginawa ng mga guro ang marami para ikasiya ang mga bata ang pagkain, damit at panuluyan. Sinab ni Guro Sun Jingwei na:

"Ang bawat damit para sa mga bata ay bago. Mabuti ang kanilang pagkain. Mayroon silang pakwan, peach at karne bawat araw. Espesyal na nag-employ kami ng gurong taga-Sichuan para magluto para sa kanila."

Dahil ang mga bata ay mga 10 taong gulang lamang at ito ay kanilang unang beses na paghiwalay sa kanilang pamilya, naging homesick sila. Sa gayo'y ang bawat guro sa school ay gumaganap ng papel ng kanilang tatay at nanay. Sinabi ni Li Cuiling na:

"Itinuturing naming silang sariling anak, nagsisikap kami para igarantiya ang malusog na paglaki at masayang pamumuhay dito. Nagkakasama kami sa lahat sandali. Kami ay gumaganap ng dobleng papel: guro at magulang din. Ang lahat ng ginagawa namin ay para bigyan sila ng kasiyahan."

Ngayon, si Song Zhiyong ay namamahala sa pamumuhay ng mga bata. Bawat araw, nagpalilibut-libot siya sa classroom, dormitory at kainan. Kapag may natuklasang problema, agad na kumilos siya para malutas ito nang hindi magdulot ito ng epekto sa kanilang pag-aaral at pamumuhay. Bukod dito, naglaan ang pamahalaan ng lunsod Tangshan ng 2 milyong Yuan espesyal na pondo para sa mga bata. At maraming mamamayang nag-abuloy ng damit at pagkain para sa kanila. Hinggil dito, napakasaya ni Song.

"Dinala ko sila rito, may responsibilidad ako sa kanila. Ito ay napakahalaga rin para sa aking sarili. Dahil sila'y pinagmamalasakitan ng marami, lipos ako ng kompiyansa. Kaming lahat ang naging konsuwelo ng mga mamamayan ng Sichuan."