• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-30 18:43:40    
Musikero na si Tan Dun

CRI

Si Tan Dun ay isang musikerong Tsinong kilalang kilala sa daigdig. Noong panahon ng Beijing Olympic Games, ang pandaigdig na edition ng operang Tsaa ng Tsina na iniayos niya ay itinanghal sa Beijing bilang isa sa mga mahalagang programang kultural ng Olimpiyada, espeyal na kinatha niya ang mga musikang ginamit sa paggagawad ng gantimpala ng Olimpiyada at Paralimpiko.

Noong 1979 nang mag-aral si Tan sa Central Conservatory of Music ng Tsina, ginamit minsan niya ang mga instrumentong musikal ng Tsina para magkatha ng kaluraning simponya. Pagkaraang natapos ang kurso sa unibersidad, nag-aral siya sa Columbia University ng Estados Unidos. Noong 1988, idinaos niya ang konsiyerto ng kanyang katha sa New York at ito ay kauna-unahang pagdaraos ng musikerong Tsino ng konsiyerto sa E.U.. Nagkatha rin siya ng musika para sa mga pinakamabuting grupong musikal sa daigdig na gaya ng New York Philharmonic.

Maaari siyang nagkatha ng musika sa pamamagitan ng iba't ibang instrumento. Sa kanyang pagkatha ng operang Tsaa, muling ginamit nang malaki niya ang mga ito. Sinabi ni Tan na umaasa siyang sa pamamagitan ng operang ito, ipapakita ang diwa at atityud sa pamumuhay ng mga Tsino at kulturang Buddist.

"Ang Tsaa ay hindi lamang isang bagay na pinakapopular sa daigdig at pinakamahigpit na pakikipag-ugnayan sa aming buhay, kundi palatandaan ng pinakapublikong kultura sa kasaysayan. Ito'y hindi iba kundi carrier na humahanap ng kulturang Zen at pinag-uugatan ng kulturang Tsino."

Sapul noong 2002, ang operang ito ay kauna-unahang itinanghal sa daigdig at may 16 na edition sa mga wika. Bilang isa sa mga mahalagang aktibidad na kultural ng Olimpiyada, itinanghal ang operang ito nang 2 beses sa National Grand Theater. Sinabi ni Tan na umaasa siyang ang operasyong ito ay makapagpapasok sa daigdig at magiging isang tatak na nakapagpapalaganap ang kulturang Tsino.

Ang Tsaa ay hindi lamang bahaging di-kulang sa buhay ni Tan, kundi laging nagdudulot ng inspirasyon sa kanyang pagkatha. Sa taong ito, siya ay piniling pinakapangunahing may-akda ng musika sa sandali ng paggagawad ng gantimpala ng Olimpiyada at Paralimpiko. Sinabi niya

"Ang musikang ginamit sa paggagawad ng gantimpala ay dapat may dalang matayog na damdamin, dahil ang Olimpiyada at Paralimpiko ay idaos sa Beijing, ang mas mahalaga'y umaasa akong sa pamamagitan ng musikang ito, makakadamdam ang lahat ng mga manonood na ang Beijing ay isang may harmonyang lunsod at ang musikang ito ay puno ng karangalan, pagkamainit ng loob at mahal at pagrinig nito, madadarama niya na siya ay sa Beijing at imposibleng sa ibang bansa."

Kaya ginamit ni Tan ang chimes at chime stone sa pagtugtog ng himig ng Jasmine, awit ng bayan ng Tsina, para lubos na magpakita ng diwa ng harmonya, pagkakasalamuha at magkakasamang eksistensiya ng kulturang Tsino.

Noong panahon ng Olimpiyada at Paralimpiko, ang naturang musika na may malakas na katangian ng tradisyonal na kulturang Tsino ay palagiang itinugtog sa purok na pampaligsahan nito. Bukod dito, Si Tan ay kumatha, kasama si David Foster, ng awiting "One World, One Dream" at nagpadala ng awit na ito sa lupong tagapag-organisa ng Olimpiyada ng Beijing para sumangkot sa aktibidad ng pangongolekta ng mga temang awit ng Olimpiyada. Umaasa siyang sa pamamagitan ng awiting ito, mapagtatagumpayan ang iba't ibang kahirapn at ipapakita ang "One World, One Dream" sa seremonya ng pagbubukas nito. Bagamat hindi ginamit ang awit na ito bilang temang awit, natamo niya ang mas mahalagang karanasan. Sinabi niya na

"Ang mas mahalagang bagay ay natamo namin ang isang mahalagang karanasang hindi mabubura sa isip. Dahil sa Olimpiyada, nakadamdam kami ng ganitong napakalalim na pagmamahalan. Ang pagmamahalang ito ay nagmumula sa silangan at kanluran, matagal at maganda ito at nabibilang sa iba't ibang kultura at iba't ibang nasyonalidad. Sa palagay ko, may kakayahan ang Tsina na magpatunay sa daigdig na ito'y purok na puno ng pagmamahalan."