Noong gabi ng nagdaang Lunes, idinaos sa Maynila ng embahadang Tsino sa Pilipinas ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-59 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina na nilahukan nina Song Tao, embahador ng Tsina sa Pilipinas, Noli De Castro, pangalawang pangulo ng Pilipinas, Prospero Nograles, ispiker ng mababang kapulungan, Eduardo Ermita, executive secretary, Alberto Romulo, kalihim sa suliraning panlabas, Alfredo Lim, alkalde ng Maynila at ng mga opisyal ng pamahalaan, dating pulitiko, diplomatang dayuhan sa Pilipinas, personahe ng iba't ibang sirkulo at mga overseas at ethnic Chinese sa Pilipinas. Sa kanyang talumpati sa resepsyon, nagpahayag muna si embahador Song ng pasasalamat sa mga personahe na nagmamalasakit at kumakatig sa pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas nitong mahabang panahong nakalipas. Binigyan niya ng positibong pagtasa ang relasyong Sino-Pilipino at natamong bunga ng dalawang bansa sa kooperasyon sa iba't ibang larangan at tinukoy niyang mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, madalas ang kanilang pagpapalagayan sa mataas na antas, matatag na sumusulong ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba't ibang larangan at ang pagkakaibigang Tsino-Pilipino ay nasa kaibuturan ng puso ng mga mamamayan ng kapwa bansa. Pinatutunayan anya ng katotohanan na ang pagkakaibigan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Pilipinas ay angkop sa komong interes ng kanilang mga mamamayan. Hinahangaan din niya ang paggigiit ng pamahalaang Pilipino sa patakarang isang Tsina. Sa kanya namang talumpati, nagpahayag ng pagbati si Romulo ng pagbati sa okasyong ito. Ipinahayag niyang sa kasalukuyan, lumalalim ang kooperasyon ng Pilipinas at Tsina sa mga larangan ng pagdadalawan sa mataas na antas, kabuhaya, depensa, siyensiya, teknolohiya, agrikultura, edukasyon, kultura at iba pa at nasa ginintuang panahon ang relasyon ng dalawang bansa. Nananalig anya siyang mapananatili ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina at matatamo ng kanilang kooperasyon ang mas maraming bunga. Sinabi rin niyang sa pamamagitan ng 30 taong reporma at pagbubukas, ang Tsina na naging mahalagang puwersa ng pulitika at kabuhayan ng buong daigdig, malaliman itong nakikilahok sa mga suliranin ng Asya at daigdig at nagbigay ng ambag sa kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan ng daigdig. Sa panahon ng resepsyon, idinaos din ng embahadang Tsino ang pagtatanghal ng mga larawan hinggil sa 30 taong reporma at pagbubukas ng Tsina na nakatawag ng pansin ng medyang Pilipino na gaya ng GMA, Philippine Star, Manila Bulletin at iba pa.
Napag-alaman noong isang linggo ng mamamahayag mula sa adwana ng Nanning ng Guangxi ng Tsina, nitong 8 buwang nakalipas, umabot sa 2.21 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Guangxi at Biyetnam na katumbas ng 77.9% ng kabuuang halaga ng kalakalan ng Guangxi at ASEAN sa gayun ding panahon, ang Biyetnam ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng Guangxi sa mga bansang ASEAN. Aktibo ang kooperasyon ng Guangxi at Biyetnam sa pagtatanim, pagpoproseso, koryente at iba pang larangan at kapansin-pansin ang mga natamong bunga. Napag-alaman, noong isang taon, nitong nagdaang siyam na taong singkad, ang Biyetnam ay naging pinakamalaking trade partner ng Guangxi sa mga bansang ASEAN.
Ipinahayag noong isang linggol ni Mari Pangestu, ministro ng kalakalan ng Indonesya, na dahil sa kasalukuyang kaligaligang pinansyal sa E.U. at mga bansang Europeo, nakahanda ang pamahalaang Indones na halinhan ng pamilihang Tsino ang pamilihang Amerikano at Europeo. Sinabi ni Pangestu na sa panahong matumal ang pamilihan ng E.U., Hapon at mga bansang Europeo, mabilis pang umuunlad ang kabuhayang Tsino, kaya ito ay isang pagkakataon sa kanyang bansa. Sinabi rin niyang dapat isaayos ng Indonesya ang uri ng mga produktong iniluluwas at pataasin ang kalidad ng mga ito para makatanggap ang pamilihang Tsino ng mas maraming produkto ng Indonesya.
Ipinahayag noong Sabado ni punong ministro Lee Hsien Loong ng Singapore na ang mga samahan ng etnikong Tsino sa Singapore ay hindi lamang makakapagbigay ng ambag sa pagpapanatili ng tradisyonal na kultura, kundi rin nakakatulong sa Singapore na samantalahin ang pagkakataong pangnegosyo na dulot ng pag-unlad ng Tsina. Sinabi ni Lee na mahigpit ang relasyon ng mga samahan ng etnikong Tsino sa Singapore sa mga etnikong Tsino sa iba't ibang lugar ng daigdig, kaya makakatulong sila sa mga kompanya ng Singapore na magbukas ng negosyo o mamuhunan sa ibang bansa at sa gayo'y mapapalakas ang katayuan ng Singapore bilang isang pandaigdig na metropolis. Umaasa rin siyang mapapatingkad ng mga samahan ng etnikong Tsino ang mas positibong papel sa pagpapatuloy ng mga tradisyonal na kultura sa Singapore.
|