Ang 32 taong gulang na si Xu Laifa ay isang bulag na mang-aawit at siya ay tanging kasaping may kapansanan ng kooperatibang ito. Sinabi niya na,
"Pagkaraang itatag ang kooperatibang ito, may purok na kami para sa regular na paglilibang. At nagtitipon dito ang mga tao para magpalitan at sa gayo'y dumarami nang dumarami ang mga kasapi nito."
Ang kooperatibang ito'y nagkakaloob ng isang plataporma sa mga magsasaka para ihayag ang kanilang pamumuhay at damdamin mula sa kaibuturan ng puso nila sa pamamagitan ng awitin. Kaya ito ay hindi lamang ikinasasaya ng puso at katawan ng mga magsasaka, kundi ikinahaharmonya ng mga pamilya sa pamamagitan ng paghubog ng komong libangan. Sinabi ni Zhou Wu, pangalawang Direktor nito, na,
"Ang karamihang kasapi namin ay may trabaho. Noong una nang itatag ang kooperatibang ito, sumangkot dito ako sa aktibidad, nangamba ang asawa ko na baka umaapekto ito ng aking trabaho. Pagkaraa'y makita niyang masaya kaming mga kasapi, sumangkot din siya sa kooperatibang ito. Lagi kaming mag-asawa'y sumasangkot sa mga aktibidad nito at sa gayo'y masaya kaming dalawa at naging harmonya ang aming pamilya."
Kaugnay ng target ng pag-unlad ng kooperatiba, sinabi ni Hu na,
"Sa malapit na hinaharap, ang target namin ay magpapasaya ng mga magsasakang lokal at ang target sa mababang panahon, nais naming maging kilalang tatak katutubong kultura na may aming katanging lokal."
Dahil may kooperatibang ito, may kanilang sariling tanghalan ang mga magsasaka at may sariling kalibangan. Naniniwalang kasunod ng paglipas ng mga araw, tiyak na uunlad at magiging mas popular ang ganitong uri ng samahan.
|