Thank you, Beijing, sa malasakit mo sa mga disabled athletes. Hindi matatawaran ang mga serbisyong ipinagkaloob mo sa kanila during Paralympic Games. Lahat ng lugar ng palaro ay convenient na convenient sa kanila at lahat ng lugar na dapat puntahan ay accessible sa kanila. Sure na sure ako na marami silang sweet memories na madadala hanggang sa susunod na Paralympics.
Tess Tombocon Sta. Mesa, Manila
Hindi ako nakarating sa Beijing para manood ng Olympics at Paralympics pero sinundan ko naman ang pang-araw-araw na development at marami akong cut-outs ng mga litrato na kuha during the Games. Marami rin akong nakolektang sports magazines na may mga writeups at pictures hinggil sa dalawang Games. The Games will remain in my mind and in my heart forever.
Claire Santos Pulong Bulo, Angeles City
Ang mga cultural presentations ng China na tinampukan ng disabled artists ay proof na binibigyan ng China ng pagkakataon ang mga may physical handicap na ipamalas ang kanilang taglay na talent sa art. Ito ay reflection din ng magandang programs ng government para sa mga may-kapansanan. Nagbigay ang China ng magandang example sa daigdig. Let's follow China's example!
Lagrimas Ramos New Territories, Hong Kong
|