Walang bigkis at walang itinakdang porma. Nagkakaloob ang pista ng dula ng kabataan ng taong 2008 ng isang malawak na tanghalan para sa kabataan. Si Meng Jinghui, isang bantog na direktor ng Tsina, ay puno ng naturang pista, sinabi niyang:
"Ang pista ng dulang ito ay kapistahan ng kabataan. Ang mga dula ay hindi pinakamabuti, ngunit, ang mga ito ay katangi-tangi at may magandang kinabukasan."
Ang pista ng dula ng kabataan ay sinundan ng China Children drama week mula unang araw hanggang ika-10 ng Oktubre. 13 grupo ng dula mula sa iba't ibang lugar ng bansa ay nagpalabas ng 19 na drama nang 50 beses. Ang uri ng mga drama'y may moderong dula, alamat, puppet show, shadowgraph at iba pa. Sinabi ni G. Zhou Yuyuan, puno ng China Children's Art Theatre, na:
"380 milyon ang bata sa Tsina. Iniharap namin ang isang ideya na ang lahat ng children group ay nagtatrabaho para sa mga bata ng bansa. Makabuluhan ang pag-eeduka ng mga dula sa mga bata at siyempre dapat maging nakalilibang ang mga ito."
Sa 10 araw, ipapalabas ang mga dula sa 8 lugar at sa mga paaralan rin para makipagpalitan sa mga estudyante. Bukod dito, manonood sa mga dula ang mga bisita mula Kanada, Hapon, Australya, Timog Korea, Biyetnam at iba pang bansa para talakayin ang hinggil sa dula ng bata.
Ipipinid sa ika-10 ng buwang ito ang Children Drama Week. Sa araw ring iyon, bubuksan naman sa National Theatre Company of China ang pista ng dula ni William Shakespeare at magkakasunod na ipapalabas ng mga artista mula sa loob at labas ng Tsina ang mga katha ni William Shakespeare. Ang tema ng pistang ito ay "Forever William Shakespeare."
|