• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-09 19:48:47    
Paglalakbay sa daigdig ng lotus

CRI
May isang makitid na daang bato sa lawa ng lotus kung saan puwedeng dumaan ang mga turista at kumuha ng mga larawan. Dahil natatakpan ng mga dahon at bulaklak ng lutos ang makitid na daang bato, hindi nakikita ang maliit na daan. Ang paglalakad dito ay parang paglalakad sa ibabaw ng mga bulaklak. Nagsadya dito ang isang taga-Beijing, si Miss Zhao Jie, sinabi niyang,

"Kay gandang pagmasdan ang gayon karaming barayti ng bulaklak ng lotus na hindi ko pa nakita noong. Kayririkit ng mga bulaklak ng lotus. Kumuha ako ng maraming larawan upang ipakita sa aking mga kaibigan."

Sa pagpunta sa Baiyangdian, hindi maaring hindi kayo kumain ng mga isda rito. Maraming klase ng isda rito, na masarap ang lasa at masustansiya. Kung may sapat na panahon, puwedeng sumama sa mga mangingisda ang mga turista, at pagkatapos ay pumunta sa kahit alin mang restawran at ipaluto sa kusinero doon ang nahuli nilang isda. May isang putaheng sa Baiyangdian na tinatawag na "Yiguoxian", tinatawag din itong tinapay na niluluto kasama ng maliliit na isda.

Ang mga tinapay na ito ay gawa sa cornstarch, soya bean, millet, munggo at gawgaw mula sa water chestnut at lotus ng Baiyangdian. Ang mga maliit na isda na isang pulgada lamang ang laki ay likas na lumalaki sa katubigan ng Baoyangdian. Sinabi ng may ari ng isang pansiteriya na si Wang Dongmei na,

"Ang lahat ng ito'y sarili naming tanim. Pagkatapos gagawin naming tinapay ang gewgaw mula sa mais, ihahalo ang maliliit na hipon sa gawgaw at gagawing tinapay, medyo maalat ang lasa. Sa pagsakay sa maliit na bangka at pagkain ng maliliit na isda at tinapay, doon mo lang mararamdaman ng nasa Baiyangdian ka."

Sinumang gustong kumain ng mamahaling putahe sa Baiyangdian, ay dapat pumunta sa Shan Yuan Zhuang Restawran. Kilalang-kilala dito ang putaheng puro isda. Sa kasagsagan ng panahon ng turismo,punong puno ng mga tao ang naturang restawran.. Makalalasap sa naturang restawran ang mga turista alinsunod sa sarili nilang kagustuhan ng iba't ibang lutuing isda. Sana'y matikman ninyo ang masasarap na pagkaing isda dito.