• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-09 19:52:49    
Cheng Fengyuan, magnate ng kuritna sa buong daigdig

CRI
"Ang mga magulang ko ay magsasaka sa dakong gitna ng Taiwan at hindi tinanggap nila ang edukasyon. Lumaki ako sa nayon sa dakong gitna ng Taiwan, napakahirap ng pamumuhay doon, kaya isinasaalang-alang kong pumunta sa malaking lunsod para maghanap ng pagkakataon."

Mga giliw na tagpakinig, ang naturang nagsasalita ay si Cheng Fengyuan, isang mangangalakal ng Taiwan--- magnate ng kurtina sa buong mundo. Sa programang ngayong gabi, isasalaysay ko sa inyo ang karanasan Ni G. Cheng, presidente ng Guangzhou Jiafeng Decorate material Co.Ltd.

Noong ika-7 dekada ng nakaraang siglo, si G.Cheng ay pumunta sa Tai Bei, pinakamalaking lunsod ng Taiwan, para mag-aral. Pagtapos sa pag-aaral, siya ay nananatili sa Tai Bei. Sa isang pagkakataong aksidensyal, siya ay pumasok sa industriya ng kurtina. Hanggang ngayo'y, kung sariwain ang karanasang ito, ipinalalagay pa rin ni Cheng na ito ay di-kapani-paniwala.

"May isang napakalaking kliyente mula sa E.U. ay dumating ng Taiwan at umaasa siyang tutulungan ko siya para sa pamimili sa Taiwan. Dahil hindi pamiliyar siya dito."

Ang karanasang ito ang tumulong sa kanya sa pagkatuklas ng malaking pagkakataon sa negosyo ng industriya ng kurtain, kaya, ipinasiya niyang ibuhos ang lahat niyang isip at enerhiya sa kalakalan ng pagluluwas ng kurtina. Noong taong 1982, sa Lugang, isang town dakong gitna ng Taiwan, itinatag niya ang una niyang kompaniya, at tumubo sa unang pagkakataon.

Salin:Sarah