• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-09 20:09:03    
Awit ng Kapanglawan, Awit ng Kapanglawan, A Sang

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Hello sa inyo, Janice Quinto ng Beijing, China; Marivic Lim ng Bajac-Bajac, Olongapo City; Jovy Ventura ng Bataan General Hospital; at Sarah Samudio ng AMA Computer College Makati. Salamat sa inyong greeting cards.

Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang--"Counting the Stars" ni Jacky Cheung. Ang magandang awiting iyan ay lifted sa album ni Jacky na may pamagat na "Are You Falling in Love?"

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

May padalang email si Pablo Cruz ng San Juan, Cabangan, Zambales. Sabi: "Napapakinggan ko nang malinaw broadcast ninyo sa pagitan ng 12 at 13 MgHz at 7 at 8 MgHz. Itong broadcast na ito ang naghatid sa amin ng mga kaganapan sa Olympics at Paralympics from opening to closing. Sana kahit hindi ko napanood ang Olympics at Paralympics, makarating pa rin ako sa China para makita ko ang mga lugar na pinagdausan ng 2 Games. Gusto ko ring makita ang iba pang mga lugar sa China."

Thank you so much, Pablo, sa iyong email.

Iyan naman ang awiting "Magandang Alamat" nina Sun Nan at Han Hong. Ang awiting iyan ay original soundtrack ng pelikulang "Alamat."

Sabi ng SMS mula sa 919 648 1939: "Ang programa mong Gabi ng Musika ang pang-unwind ko sa weekend. Interesting emails at SMS. Mahusay talaga ang mga Pinoy sa emailing at text messaging."

Thank you.

Sabi naman ng 0086 138 1140 9630: "I-pray over natin lahat ng victims ng natural calamities at violence hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin. Huwag nating ipagmaramot sa kanila ang ating ilang-minutong panalangin."

Thank you rin sa iyo.

"Awit ng Kapanglawan," inihatid sa ating masayang pakikinig ni A Sang. Iyan ay hango sa album na may katulad na pamagat.

Sabi ng 0086 1342 6377 760: "Sana ma-survive natin ang world financial crisis ngayon na gaya ng pagkaka-survive natin ng food and grains crisis. Let's seek divine intervention."

Salamat. You are right.

Mula naman sa album na may pamagat na "Love and the City," iyan ang awiting "Pag Lumalapit ang Pag-ibig" ni Renee' Liu.

Sabi ni Emmy Panajon ng Pandacan, marami raw kaguluhan ngayon sa mundo kaya dapat dagdagan natin ang ating mga panalangin.

Thanks, Emmy. Tama ka rin diyan.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.