Mula ika-22 hanggang ika-25 ng buwang ito, idaraos sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ang ika-5 China ASEAN Expo o CAexpo. Ito ang kauna-unahang ekspong ito na idaraos pagkatapos ng pag-aaproba ng Tsina sa plano ng sonang pangkabuhayan ng Beibu Bay ng Guangxi. Ipinahayag ng may kinalamang tauhan na mapapatingkad ng CAexpo ang mahalagang papel sa pagpapasulong ng pagbubukas at paggagalugad ng naturang sonang pangkabuhayan. Ipinahayag minsin ni Guo Shengkun, party secratary ng Guangxi, na gawing batayan ang sonang pangkabuhayan ng Beibu Bay, aktibong makikisama ang Guangxi sa multi-rehiyonal na kooperasyon at buong sikap na pasusulungin ang rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan.
Salamat sa episyenteng operasyon ng adwana ng Guangxi, inihatid noong Huwebes sa Nanning ang unang kargamento ng mga panindang itatanghal sa ika-5 CAEXPO na gaganapin mula ika-22 hanggang ika-25 ng buwang ito. Napag-alamang upang buong-husay na paglingkuran ang idaraos na expo at mabigyan ng ginhawa ang mga lalahok na bahay-kalakal, pinabuti ng adwana ng Guangxi ang mga procedures nito.
Napag-alaman noong Lunes ng mamamahayag mula sa sekretaryat ng China-ASEAN Expo na idaraos mula ika-20 hanggang ika-23 ng buwang ito sa Nanning ng Tsina ang porum sa mataas na antas ng kababaihan ng Tsina at ASEAN. Dadalo sa porum na ito ang mga pananguhing namamahalang tauhan ng mga organo ng pamahalaan sa suliranin ng kababaihan ng mga bansang ASEAN at mga may kinalamang opisyal at dalubhasang Tsino. Tatalakayin sa porum ang hinggil sa mga hamong magkakasamang kinakaharap ng mga kababaihan ng iba't ibang bansa at pag-aaralan ang katugong hakbangin para pragmatikong mapasulong ang kooperasyon ng kababaihan ng Tsina at ASEAN at ibayo pang mapalakas ang pagpapalitan ng kababaihan ng dalawang panig.
Idaraos mula ika-23 hanggang ika-25 ng buwang ito sa Baise, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang perya ng Tsina at ASEAN hinggil sa modernong agrikultura. Sa nasabing perya na bahagi ng gaganaping ika-5 ekspo ng Tsina at ASEAN, itatanghal ang mga bagong produkto at teknolohiyang agrikultural. Idaraos din sa peryang ito ang promosyon ng mga proyekto ng modernong agrikultura at ang porum ng Tsina at ASEAN hinggil sa pagpapaunlad makabagong teknolohiya na magagamit sa sub-tropikong purok.
Mula ika-4 hanggang ika-6 ng darating na buwan, idaraos sa Nanning ng Guangxi ng Tanggapan ng Konseho ng Estado at pamahalaan ng rehiyong awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang ika-2 Porum ng Tsina at ASEAN hinggil sa pag-unlad ng lipunan at pagbabawas ng karalitaan. Dadalo sa porum ang mga namamahalang tauhan, ng mga organo ng pagbibigay-tulong sa mahihirap o may kinalamang departamento ng mga bansang ASEAN at ang mga kilalang iskolar at mangangalakal sa larangan ng pag-unlad ng lipunan at pagbabawas ng karalitaan. Mula noong ika-30 ng Oktubre hanggang ika-2 ng Nobyembre ng nagdaang taon, matagumpay na idinaos sa Nanning ang "unang porum ng Tsina at ASEAN hinggil sa pag-unlad ng lipunan at pagbabawas ng karalitaan", at nagpalabas ang mga kalahok ng "mungkahi ng Nanning hinggil sa porum ng Tsina at ASEAN hinggil sa pag-unlad ng lipunan at pagbabawas ng karalitaan".
Binuksan noong Araw ng Linggo sa Lunsod ng Jinghong ng Prepekturang Awtonomo ng Etnikong Dai ng Xishuangbanna ng Lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina ang ika-11 perya sa panghanggahang kalakalan at turismo ng kooperasyong pangkabuhayan sa subrehiyon ng Lancang-Mekong River. Sa 4-araw na peryang ito, isasagawa ng mga negosyante mula sa Tsina, mga bansa sa Greater Mekong Subregion, Singapore, Hapon, Timog Korea at iba pang lugar ang pag-uusap na pangkalakalan, pagtatanghal ng paninda at kooperasyong panturismo. Sa panahon ng peryang ito, idinaos din ang ika-14 na kapistahang pansining at pangkultura sa purok-hanggahan ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand at ika-12 kapistahang pansining ng mga etniko sa dakong gitna at timog ng Yunnan para mapalakas ang pagpapalitang pangkultura ng mga kalahok na bansa.
Pormal na naisaoperasyon noong isang linggo ang espesyal na rutang panturista mula sa Prepekturang Awtonomo ng Etnikong Dai ng Xishuangbanna ng Lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina patungong Lunsod ng Luang Prabang ng Laos. Pinasimulan na ng mga turistang Tsino ang kanilang paglalakbay sa naturang lunsod ng Laos na may mahigit isang libong taong kasaysayan.
|