Ang naturang grupong panaklolo ay lumahok na sa maraming saklolo: noong 2003 sa Algeria, noong 2004 sa Indonesya at noong 2005 sa Pakistan. Sa aksyong panaklolo sa lindol sa Pakistan, unang dumating ng lugar na pinangyarihan ang pandaigdigang grupong panaklolo ng Tsina at natamo nila ang pinakakomprehensibo at pinakawastong inpormasyon ukol sa kalagayan ng lindol. Sinabi ni Liu na:
"Sumigaw ang mga mamamayang Pakistani na 'Very Good, China!' Binigyan nila kami ng pagkain at niyakap nila kami. Talagang makaantig-damdamin ang tagpo. Sa daanan ng paghatid namin ng mga nailigtas sa kampo, masigabo kami pinapalakpakan ng mga mamamayan sa magkabilang panig ng lasangan at sinabi nilang 'Tsina' sa wikang Tsino."
Para sa usaping panaklolo, ginawa ng mga miyembro ng grupo ang maraming sakripisyon at kaunti ang panahon nilang makihalubilo sa kanilang pamilya. Bilang pangalawang puno ng grupong ito, marami ang naiambag ni Liu sa kaniyang usapin. Sa isip ng kanyang anak na babae, siya ay isang tatay na palaging wala sa tahanan at napakainggit niya sa iba pang bata na may nanay sa kaliwa at may tatay sa kanan nang lumakad sa daan.
Sa pamumuno ni Liu Xiangyang, pagkatapos ng 7 taon ng pagsubok, ang pandaigdigang grupong panaklolo ng Tsina ay naging isang mahusay na grupo sa daigdig. Sa ilalim ng sama-samang pagsisikap ng lahat ng staff, tiyak na gagawa ang grupo ng mas malaking ambag sa hinaharap.
|