• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-14 10:50:34    
Direktor Tsino na si Feng Xiaoning

CRI

Si Feng Xiaoning ay isang kilalang direktor Tsino at sa kasalukuyang buwan, ang bagong pelikulang Super Typhoon na idinirekta niya ay isasahimpapawid sa iba't ibang lugar ng Tsina. Ang pelikulang ito ay hindi lamang magdudulot ng malakas na epektong nakapagpapaginhawa sa damdamin at paningin ng mga manonood, kundi magpapapkita ng konstenteng ideya niya sa pangangalaga sa kapaligiran.

Ang nabanggit na pelikula ay kinuha batay sa tunay na pangyayari na isang napakalakas na bagyong Saomai ang humahagupit sa Wenzhou ng lalawigang Zhejiang sa baybaying dagat sa dakong timog silangan ng Tsina noong 2006. Ang mga tagpo sa pelikulang ito na gaya ng dumadaluhong na bagyo, nangangalit na dagat at iba pa ay kahanga-hanga at nakakayanig-puso. Sinabi ni Feng na ang pelikulang ito ay may espesyal na katuturang pratikal at ang ganitong pelikula ay sapat na nakakatawag ng pansin ng mga tao sa tumpak na pakikitungo sa likas na kapahamakan at pagpapalakas ng kamalayan laban at pagpigil sa natural na kalamidad. Sinabi niya na

"Ang pelikulang ito ay nagpapakita ng grabeng likas na kapahamakan at nitong ilang taong nakalipas, ang ganitong mga kalamidad na gaya ng pagyeyelo, pag-ulan, lindol at iba pa'y nagdulot ng malaking kapinsalaan sa mga mamamayang Tsino at ito naman ay problemang kinakaharap ng buong daigdig. Sinabi ng pelikulang ito sa Tsina, maging sa buong daigdig na kinakaharap ng buong sangkatauhan ang pag-atake ng grabeng likas na kapahamakan. Sa pamamagitan ng pelikulang ito, ipinaliwanag ko ang palagay na ang mga kalamidad na ito ay may kinalaman sa aksyon ng aming sangkatauhan at ang pagsisira naming sarili sa kapaligiran ay nagdulot ng pag-init ng klimang pandaigdig."

Si Feng Xiaoning ay nagtapos ng Beijing Film Academy noong 1982. Idinirekta niya ang mga war films na gaya ng Meridian of War, Red River Valley, Grief Over the Yellow River, Purple Sun at iba pa. Datapuwa't siya'y partikular na nagbibigay ng pansin sa pangangalaga sa kapaligiran, ang Ozone Layer Vanishes, Gada Meilin at A Railway in the Cloud-kanyang 3 pelikulang may kinalaman sa buhay at kapaligiran, ay mga representatibong katha niya sa aspektong ito.

Idinirekta ni Feng ang pelikulang Gada Meilin noong 2000 at ito'y isang kuwento hinggil sa pag-aalsa ng mga bayani ng lahing Mongolian. Sa pamamagitan ng pelikulang ito, sinabi niya sa mga tao na sanhi ng pag-aalsang ito ay para sa pangangalaga sa sinisirang damuhan at para rito, binayaran nang malaki ng mga tao.

Noong 2003, ginawaran si Feng ng Environmental Culture Promotion Association ng Tsina ng titulo ng sugong pangkapaligiran. Noong 2007, tumanggap siya rin ng gantimpala ng Green China People of the Year. Sa kanyang 20 taong karanasan ng pagpepelikula, nakabisita siya at ang kanyang kasamahan sa buong Tsina, at wala na katiting na bahid ng pagkasira ng kapaligiran ang naiwan sa lugar na nilang pinagtatrabahuhin. Ang bawat tao sa kanila ay may malakas na kamalayan sa pangangalaga sa kapaligiran at laging kusang-loob na nangangalaga ng kapaligiran nito.

Ipinahayag ni Feng na sa hinaharap, ang direksyon ng kanyang pagkatha ay tutungo sa malaking commercial films, datapuwa't pananatilihan pa niya ang modang pansining ng kanyang pelikula at ideya ng pangangalaga sa kapaligiran. Sinabi niya na

"Mataas ang lebel ng kaisipan at mayaman ang nilalaman ng pelikulang Ozone Layer Vanishes na idinirekta ko noong nakaraang 20 taon at hindi nawawala ang ganitong kabutihan ng mga pelikula na idinirekta ko nitong mga taong nakalipas, halimbawa, sa pelikulang Super Typhoon sa taong ito, magkasintaas ang lebel ng kaisipan ng naturang dalawang pelikula. Ang gusto kong magpakita sa mga pelikulang ito ay relasyon ng kalikasan at sangkatauhan, kung papaanong mahaharap at makikiisa tayo sa kalikasan sa halip ng paglaban sa kalikasan. Noong una, hindi nalaman ito ng mga mamamayang Tsino, kaya malaki ang binayaran namin."