• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-14 10:59:57    
Kuwento hinggil kay Liu Xiangyang, isang komander

CRI

Si Liu Xiangyang ay isang opisyal ng hukbong Tsino at siya rin ang isang komander sa gawaing panaklolo sa super-lindol sa Sichuan noong ika-12 ng Mayo ng taong ito.

Noong ika-12 ng Mayo ng taong ito, naganap sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan ang super-lindol na may lakas na 8.0 sa Richter scale. Noong madaling araw ng ika-13, dumating ng lugar na pinangyarihan ng lindol ang pandaigdigang grupong panaklolo ng Tsina na pinamumunuan ni Liu Xiangyang. Pagkatapos ng 3 oras na pagpupunyagi, iniligtas nila ang unang tao na may buhay pa. Dahil sa kanilang angkop na hakbangin, naiwasan ng naturang nailigtas ang panganib na amputation. Sinabi ni Liu na ang pinakamataas at tanging target ng pandaigdigang grupong panaklolo ng Tsina ay paggalang sa buhay. Sinabi niyang:

"Pagkatuklas ng namumuhay pang tao, ang presyur na kinakaharap namin ay hindi dapat mamatay siya sa aming kamay at ito ay pinaka-di-gusto naming Makita. Kung mamamatay siya sa proseso ng gawaing panaklolo, nakakadarama kaming parang may utang kami sa kanya. "

Itinatag noong April ng 2001 ang pandaigdigang grupong panaklolo ng Tsina. Noong panahong iyon, walang teksbuk ng pagsasanay, walang istandard, walang kabatayan ng teknolohiya at walang umiiral na karanasan. Bilang isang pangunahing kasapi ng grupong ito, namahala si Liu Xiangyang sa pagsasanay at pamamahala sa bagong buong grupong ito.

Bawat araw, nagsasagawa siya ng pagsasanay pisikal, pangkakayahan at pag-aaral ng wikang Ingles. Laging siyang humihingi ng tulong sa mga dalubhasa sa larangan ng lindol at heolohiya. Sa ilalim ng pamamatnubay ng mga dalubhasa, sumulat siya ng 11 espesyal na tekstbuk hinggil sa gawaing panaklolo sa lindol. Bukod dito, inimbento niya ang mahigit 10 paraan ng gawaing panaklolo. Ipinalalagay ni Yin Guanghui, isang dalubhasa ng China Earthquake Administration, na si Liu Xiangyang ay isang kinatawan ng grupong ito. Sinabi niyang:

"Mahusay si Liu Xiangyang sa pananaliksik sa teknolohiya ng gawaing panaklolo, kaalaman hinggil sa aksyon at proseso ng gawain at konstruksyon ng sistema. Lagi siya nangunguna sa teorya at praktika ng pangkagipitang saklolo at siya at ang kanyang pinamumunuang kasama ang gumawa ng napakahirap na pagpupunyagi. Siya ay namumukod na kinatawan ng grupong ito."

Ang naturang grupong panaklolo ay lumahok na sa maraming saklolo: noong 2003 sa Algeria, noong 2004 sa Indonesya at noong 2005 sa Pakistan. Sa aksyong panaklolo sa lindol sa Pakistan, unang dumating ng lugar na pinangyarihan ang pandaigdigang grupong panaklolo ng Tsina at natamo nila ang pinakakomprehensibo at pinakawastong inpormasyon ukol sa kalagayan ng lindol. Sinabi ni Liu na:

"Sumigaw ang mga mamamayang Pakistani na 'Very Good, China!' Binigyan nila kami ng pagkain at niyakap nila kami. Talagang makaantig-damdamin ang tagpo. Sa daanan ng paghatid namin ng mga nailigtas sa kampo, masigabo kami pinapalakpakan ng mga mamamayan sa magkabilang panig ng lasangan at sinabi nilang 'Tsina' sa wikang Tsino."

Para sa usaping panaklolo, ginawa ng mga miyembro ng grupo ang maraming sakripisyon at kaunti ang panahon nilang makihalubilo sa kanilang pamilya. Bilang pangalawang puno ng grupong ito, marami ang naiambag ni Liu sa kaniyang usapin. Sa isip ng kanyang anak na babae, siya ay isang tatay na palaging wala sa tahanan at napakainggit niya sa iba pang bata na may nanay sa kaliwa at may tatay sa kanan nang lumakad sa daan.

Sa pamumuno ni Liu Xiangyang, pagkatapos ng 7 taon ng pagsubok, ang pandaigdigang grupong panaklolo ng Tsina ay naging isang mahusay na grupo sa daigdig. Sa ilalim ng sama-samang pagsisikap ng lahat ng staff, tiyak na gagawa ang grupo ng mas malaking ambag sa hinaharap.