Ang rehiyong awtonomo ng Inner Mongolia, nasa purok na panghanggahan ng Hilangang Tsina, ay may magandang damuhan at espesyal na kaugaliang pangnasyonalidad, samantala, ito ay isang rehiyong komong umiiral ang iba't ibang relihiyon. Sa programa ngayong araw, dadalhin kita sa Dazhao Temple sa rehiyong awtonomo ng Inner Mongolia.
Ang Dazhao Temple ay nasa matandang lunsod ng lunsod ng Huhehaote, punong lunsod ng Inner Mongolia. Sa wikang Mongoliyano, tinatawag itong Yikezhao na nangangahulugang malaking templo. Itinatag ang Dazhao Temple noong taong 1580, Ming Dynasty ng Tsina. Katangi-tangi ang arkitektura ng Dazhao Temple, idinadambana nito ang isang pilak na istatuwa ng Sakyamuni, kaya, tinatawag pa itong templo ng pilak na buda. Nakolekta ng Dazhao Temple ang maraming cultural relics na naging mahalagang materyal sa pag-aaral ng kasaysayan ng lahing Mongolia at kulturang panrelihiyon.
Ang Dazhao Temple ay sumasaklaw ng mahigit 30 libong metro kuwadrado. At ang floor area nito ay umabot sa mahigit 8 libong metro kuwadrado ang floor area. Ang pangunahing bulwagan ay tanging lama temple na pinag-isa ng istilo ng lahing Han at Tibet. Sa mga cultural relics sa Dazhao Temple, ang pilak na buda, iskultura ng dragon at Wall painting ay pinakakilala na itinuturing na tatlong kababalaghan ng Dazhao Temple.
Ukol sa mahalagang katayuan ng Dazhao Temple sa sirkulong panturista ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia, isinalaysay ni G. Burenbat na:
"Nagkaroon ang Dazhao Temple ng di-mahahalinhang papel sa pagpapatuloy ng kaugaliang panrelihiyon ng lahi at bayan at ito ay isang nakaaakit na bahagi sa pagpapasulong ng industriyang panturista ng Inner Mongolia."
|