May isang tradisyonal na aktibidad na panrelihiyon ang Dazhao Temple-sayaw ng enkantada. Ang sayaw na ito ay may maraming pahiwatig: pagpapalayas ng sama, pagdiriwang ng ani, pagbati sa kinabukasan at iba pa. Bawat Enero at Hunyo sa kalendaryong Tsino, idaos ng Dazhao Temple ang malaking aktibidad ng sayaw ng enkantada.
Sa panahong iyan, ang mga monk doon ay naka-espesyal na kasuutan at maskara at nagpapanggap na hitsura ng iba't ibang enkantada at nagsasayaw sa pagsaliw ng torotot, gong at iba pang instrumentong musical. Seryoso't masigla ang tagpo. Ganito ang sinabi ni Lamang Jin Cheng na:
"Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng pagkukumpuni at pagbuti ng kapaligiran ng Dazhao Temple, hinihikayat nito ang maraming manlalakbay at pilgrims mula sa loob at labas ng bansa. Malaki ang kagustuhan ng mga mamamayan sa sayaw ng enkantada, pagdasal at ibang pang aktibidad na panrelihiyon."
Nitong ilang taong nakalipas, naglaan ang pamahalaan ng Inner Mongolia ng malaking pondo at nagsagawa ng malawakang pagkukumpuni sa Dazhao Temple, nagiba ang maraming panganib, lumang bahay at mga arkitekturang komersiyal sa paligid ng temple, nang sa gayo'y muling lumitaw ang kahanga-hangang bighani ng Dazhao Temple.
Walang humpay na lumalaki ang bilang ng mga turista sa Dazhao Temple. Ipinalalagay ni Cui Jin, isang manlalakbay na ang katangiang panrelihiyon dito ay isang pangunahing elementong hinihikayat ang mga manlalakbay. Sinabi niyang:
"Kung mapapanatili ang kasaysayan ng bawat templo, malalaman ng mga mamamayan ang kultura sa lokalidad, ito ay pamanang pangkultura."
|