• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-16 14:24:45    
Ode to Nishang, Chinese Traditional Music

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Thank you, 0086 8582 5132 877. Sabi ng kanyang SMS: "Maligayang Araw na Pambansa sa Serbisyo Filipino at lahat ng mga kaibigang Chinese sa iba't ibang lugar ng mundo."

Bibigyang-daan natin maya-maya ang emails mula sa Hong Kong, Singapore at Saudi Arabia. Samantala...

Mula sa "CRI's Collection of Chinese Traditional Music," iyan ang magandang tugtuging may pamagat na "Three, Five, Seven."

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Tunghayan natin ang email ni Gladys Corpus ng Hin Seng Garden, West Coast Way, Singapore. Sabi ng liham: "Kuya Ramon, for all you know, sinusundan ko ang programs mo all along noong ginaganap ang Olympics at Paralympics. Malalaman ang mga sinasabi ng iyong mga listeners at makakahulugan ang iyong musical pieces. Sana, sa mga susunod na araw, makapaghandog ka pa sa amin ng touching at inspiring programs. May psychological effects ito sa amin. I am sending my hello to you and everybody out there! May peace be with you!"

Thank you so much, Gladys. May God love you.

Iyan naman ang "Peking Opera Tune" na mula pa rin sa "CRI's Collection of Chinese Traditional Music."

Punta naman tayo sa Hong Kong. Sabi ni Caroline Murao ng New Territories: "Ang inyong Olympics ay nagturo sa amin kung paanong magmalasakit sa kapaligiran at ang inyong Paralympics naman ay nagpaalala sa amin ng aming obligasyon at paggalang sa mga may-kapansanan. Thank you for the lesson and the reminder. Ang aral ay nakakapagpatuwid sa baluktot na katuwiran, samantalang ang paalala naman ay gamot sa taong nakakalimot. Nang magkaroon ng mga landslides sa ilang lalawigan dito sa aming bayang magiliw, naalala ko ang inyong aral at paalala."

Maraming salamat sa iyong sulat, Caroline. Very philosophical.

Mula pa rin sa "CRI's Collection of Chinese Traditional Music, iyan ang tugtuging "Fengyang Flower-Drum Song.

Tunghayan naman natin ang email mula sa Saudi Arabia. Sabi ni Celeste Infante ng Riyadh: "Kuya Ramon, kumusta sa iyo at lahat ng mga kasamahan. Alam ko na marami kayong pinagkaabalahan noong may mga palaro pa diyan sa Beijing. Siguro, nakahinga-hinga na kayo ngayon nang kaunti. Gusto ko kayong pasalamatang lahat sa pagsisilbi ninyo sa amin sa panahon ng Olympic Games.

Binigyan ninyo kami ng up-to-date news at nakapagbahagi pa kami ng news sa iba. Salamat sa inyong serbisyo para sa mga Pilipino. Happy National Day na rin sa inyong lahat! Thank you, Caroline. Kumusta sa lahat diyan sa Riyadh."

Iyan naman ang "Ode to Nishang" na isa pa rin sa mga track ng "CRI's Collection of "Chinese Traditional Music."

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang episode sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.