Binuksan noong Araw ng Linggo sa Guilin, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog kanlurang Taina, ang 2-araw na unang sesyon ng pulong ng mga mataas na opisyal ng Tsina at ASEAN sa kooperasyon ng puwerto. Lumahok sa sesyong ito ang mahigit 60 mataas na opisyal at dalubhasa mula sa Tsina at sampung bansang ASEAN para talakayin ang kooperasyon ng mga puwerto ng Tsina at iba't ibang bansa ng ASEAN. Tinukoy ng kinauukulang tauhan na ang paglalim ng kooperasyon ng mga puwerto ng Tsina at ASEAN ay lalo pang magpapasulong sa kooperasyon ng iba't ibang bansa ng rehiyong ito sa larangan ng kalakalan ng paninda, turismo, logistics at iba pa.
Nakipagtagpo noong Lunes sa Beijing si Wang Jiarui, Ministro ng International Department ng Komite Sentrel ng Partido Komunista ng Tsina, sa observer group ng mga kawani ng partido at pamahalaan ng Biyetnam. Inilahad ni Wang ang may kinalamang kalagayan ng ika-3 sesyong plenaryo ng ika-17 Komite Sentral ng CPC at pagsisikap ng kanyang bansa para malutas ang isyung may kinalaman sa agrikultura, kanayunan, at magsasaka. Ipinahayag pa niya na lumalalim nang lumalalim ang pagpapalitan ng dalawang panig sa karanasan ng pangangasiwa sa bansa at ito'y naging mahalagang bahagi ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag naman ng panig ng Biyetnam na mataimtim na pag-aaralan ang toerya at praktika ng sosyalismong may katangiang Tsino at pasusulungin, kasama ng panig Tsino, ang relasyon ng dalawang partido at bansa.
Sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng panig Tsino at Biyetnames, nailigtas noong Miyerkules ang lahat ng 10 tripolante sa isang bapor na pangkargamento ng Biyetnam na lumubog sa rehiyong pandagat na malapit sa Lalawigang Hainan sa timog Tsina. Lumahok sa naturang pagliligtas ang Maritime Safety Administration ng Hainan batay sa paghingi ng panig Biyetnames.
Sa isang symposium na idinaos noong Biyernes sa Bangkok, ipinahayag ni Zhang Jiuheng, embahador ng Tsina sa Thailand na palalakasin ng kanyang bansa ang pagpapalita't pagtutulungan nila ng Thailand sa aspekto ng pagtuturo ng wikang Tsino. Sinabi ni Zhang na ibayo pang palalakasin ng Tsina ang konstruksyon ng Confucius Institute, pasusulungin ang pagpapalitang pangkultura ng Tsina't Thailand, buong sikap na matutugunan ang pangangailangan ng Thailand sa guro ng wikang Tsino, pahihigpitin ang kooperasyon nila ng Thailand sa pagpapalaganap ng pagtuturo ng wikang Tsino at ipagkakaloob ang iba't ibang tulong sa pagsasanay ng Thailand ng sariling guro ng wikang Tsino.
|