• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-21 14:22:39    
Pagbabago ng pagpapalitang kultural ng Tsina at mga bansang dayuhan sa 30 taon

CRI

30 taon na hanggang ngayon ang isinasagawang reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina. Sa loob ng 30 taon, ang kultura ay naglatag ng tulay para sa Tsina at mga bansang dayuhan tungo sa pagiging pamiliyar at pagkaisa mula sa di-pagkilala at di-pagkakaunawa sa isa't isa. Ang pagpapalitang kultural sa pagitan ng Tsina at mga bansang dayuhan ay pumasok na ngayon sa isang walang katulad na masiglang panahon.

Ang "Shajiabang" ay isang aria ng Peking Opera. Isinalaysay nito ang kuwentong naganap sa panahon ng digmaang sibil ng Tsina. Ang operang ito ay naging napakapopular noong ika-6 hanggang ika-7 dekada ng ika-20 siglo. Noong panahong iyon, kulang na kulang ang mga mamamayan sa pamumuhay na kultural: walang TV sa karaniwang pamilya, walang kTV sa lunsod. Sa iilang dulaan, ang "Shajiabang" ay itinanghal nang halos isang taon.

Ang 50 taong gulang na si Zhangyu ay isang aktibista sa larangan ng kultura. Minsan nagtrabaho siya bilang isang opisyal na namamahala sa pagpapalitang kultural ng Tsina at ibang bansa at komersiyante siya ngayon sa larangan ng kultura. Sinabi niyang:

"Nitong nakalipas na 30 taon, dumarami nang dumarami ang palabas sa Tsina. Bawat buwan, itinatanghal ang mabuting palabas ngayon sa mga lunsod ng Tsina. Sa mga pangunahing dulaan ng Beijing, may palabas bawat araw at ang mga ito ay mula sa Europa, Asya, Aprika, Latin Amerika at daigdigang Arabe. Sa palagay ko, ito ay pinakamalaking pagbabago nitong nakalipas na 30 taon. "

Samantala, ang Tsina ay nagiging mainit na bansa ng pagtatanghal at transaksyon ng mga produktong kultural ng daigdig. At dumarami nang dumarami ang mga mangangalakal at artistang dayuhan sa Tsina.

Dumating ng Tsina noong 1991 si Gng Lisa Cliff ng E.U. at binuksan niya ngayon ang dalawang tindahang kultural sa SOHO, isang purok na komersyal, at 798, isang purok na artistiko. Lipos siya ng kompiyansa sa pamilihang pansining ng Tsina. Sinabi niyang:

"Interesadong interesado ako sa pamilihang pansining na Tsino. Mabilis na umuunlad ang pamilihang ito at kinakatigan nito ang pamahalaang Tsino. Lipos ako ng kompiyansa sa aking dalawang tindahan, lalung lalo na, pagkatapos ng 2008 Beijing Olympic Games."

Sinabi ni Tuo Zuhai, pangalawang puno ng departamento ng pamilihang Kultural ng Ministri ng Kultura ng Tsina, na itinakda ng pamahalaang Tsino ang bukas na patakarang kultural para enkorahehin ang paglahok ng pamumuhunang dayuhan sa pamilihang kultural ng Tsina. Sinabi niyang:

"Malawak ang saklaw ng pagbubukas ng pamilihang kultural ng Tsina sa labas. Bukas ang pamilihan ng pagtatanghal, entertainment, produkto ng audio and video at negosyo ng produktong artistiko."

Kasabay ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, nagiging mas malawak ang isinasagawang pagpapalitang kultural ng Tsina at mga bansang dayuhan. Dumarami nang dumarami ang mga aktibidad ng pagpapalitang kultural na itinataguyod ng pamahalaang Tsino. At mas maraming grupong pansining ang pumaparito sa Tsina para itanghal.

Si Kelli Lazimier ay isang artistang Indyano na lumahok sa ika-10 Kapistahang Pansining ng Asya. sinabi niyang:

"Nanood ako sa Indya ng mga napakagandang palabas na itinanghal ng mga artistang Tsino at ito nag-iwan ng di-mabuburang impresyon sa isip ko sa buong buhay. Ngayon, andyan na ako sa Tsina. Sinabi ko sa aking kasama na dapat gawin namin ang lahat naming makakaya sa pagpapaganda ng aming palabas upang makapagtamasa ang mga manonood ng Tsina ng kultura ng Indya. "